Domino

2 21
Avatar for Maya
Written by
3 years ago

Nagpapasalamat ako dahil napunta ako sa website na ito. Hindi ko na matandaan kung paano nga ba ako napunta dito. Ang tanging alam ko lamang ay nakakita ako ng isang post sa social media tungkol sa read.cash at sinubukan kong hanapin sa google kung sino o ano nga ba si read.cash.

Maraming salamat.

Naiinspire ako sa mga writers dito. Nagsusulat sila ng articles hindi lang para kumita ng kaunting salapi, ngunit upang mahasa din ang angking kakayanan sa pagsusulat ng iba't ibang artikulo.

Domino nga ba tawag doon?

Oo. May epekto ito sa akin bilang isang mambabasa. Nais ko rin ipahayag ang aking opinion o saloobin tungkol sa maraming bagay sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ako ay dati nang manunulat. Noon pa man ay libangan ko na ang pagsusulat. Nakakuha pa nga ako ng uno sa creative writing noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Subalit nang ako ay nakapasok na sa trabaho ay bihira ko nang nagagawa ang pagsusulat. Itinigil ko na ang pagda-diary ko. Tila baga ito ay kaabalahan pa sa takbo ng buhay ko sa araw araw.

Salamat sa website na ito dahil nabuhay na muli ang dugo ko sa pagsusulat. Nais ko rin sanang maraming makabasa sa aking mga artikulo lalo na yaong mga artikulong tungkol sa sitwasyon ng buhay natin ngayon at mga artikulong nagtuturo kung paano tayo kikita ng karagdagang tulong pinansyal sa ating pamilya.

Sa mga nais mag-subscribe ay malaya kayong pindutin ang subscribe button upang ma-notify kayo sa mga artikulong ilalathala ko pa sa mga susunod na araw.

Mag-comment lamang kung kayo ay naka-subscribe na upang ma-subscribe ko din kayo. Nais ko pang makabasa rin ng mga orihinal na artikulo.

Maraming salamat.

4
$ 0.01
$ 0.01 from @esciisc

Comments

Maganda talaga ang dulot ng website na 'to. Para sa akin yung points ay bonus lang dahil mahilig talaga akong magsulat. Dito malaya mong maipapahayag ang iyong mga saloobin at mas gagaling ang iyong kakayahan sa pagsusulat. Welcome sa read cash! Pwede ka din mag subscribe sakin ☺️

$ 0.00
3 years ago

Thanks Done subscribing po.

$ 0.00
3 years ago