Laban lang! Kaya Natin Iyan!! ❤️🌸

2 16
Avatar for Marty27
3 years ago

Kahapon ay galing kami sa dalig. Kami ay namasyal at talagang kinagiliwan ko ang mga magagandang tanawin sa lugar na iyon. Napakasarap mabuhay sa simpleng paraan pero napakasaya. Wala na ata akong ibang mahihiling pa kundi ang taos pusong pasasalamat. At sa susunod na pagsisikap ko ay sana pagpalain ako na magawa ang mga gusto ko. Ang matupad ang mga pangarap ko sa buhay ko.

Soon magkakaroon na ako ng sarili kong bahay at lupa na matagal na matagal ko ng inaasam.. at bilang regalo sa nanay at tatay ko bibilihan ko sila ng bahay at lupa din na malapit sa akin para nakikita ko pa din sila. Pagsisikapan ko ang lahat ng mga yun. Walang impossible sa taong may gusto makamit ang tagumpay sa malinis na pamamaraan. By god eye’s witness sana ay pagbuksan niya ang pinto ng blessings sa akin para matupad ko ang lahat ng iyon.

Alam ko mahirap sa umpisa, pero kakayanin ko dahil gusto ko iyon. At para sa nanay at tatay ko at sa kapatid ko na din. Sisikapin kong makipagsapalaran sa kahit saan mang bagay para mapasaya sila. Sa simpleng pamamaraan ay makakamit ko ang tagumpay na iyon! At ipinapanalangin ko ng taos puso sa aking pagkatao na nawa’y ako ay pagpalain sa lahat. Dahil gusto kong mapasaya ang mga magulang ko kahit sa simpleng pamamaraan lang. pagsisikapan ko ang lahat 🙏🏻

mga ka read cash! Huwag po tayong susuko para sa ating mga pangarap. Gumawa tayo ng magagandang bagay para tayo ay pagpalain. Mahirap man sa ngayon pero kakayanin natin iyan. Walang impossible sa taong mapursige at mataas ang pananampalataya sa dyos.
Smile lang tayo mga kapa laloves!! Malalagpasana natin ang lahat ng mga dumaang pagsubok sa ating buhay!

god bless sa ating lahat!
always spread love and keep safe mga ka peeps!

yours truly,

marty27 ❤️

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Marty27
3 years ago

Comments

walang imposible sa taong mapursigi..pls subscribe back.done subsvribing u

$ 0.00
3 years ago

Salamat! I subscribe you back po! Godbless po 😍😘

$ 0.00
3 years ago