Ang Kwento Ng Lugaw
Masama ang pakiramdam ni Chad kaya gusto nyang kumain ng may sabaw.
E since hindi naman ako marunong magluto ng sinigang, nilaga, o tinola, at ayoko sya pakainin ng instant noodles, tinanong ko kung ok lang sa kanya ang lugaw.
‘Ok lang po Daddy’ sabi nya
So pumunta ako sa may highway na alam ko may nagtitinda ng lugaw. 24 hours na bukas yun kaya alam ko may mabibili ako.
Pagdating ko sa lugawan eto ang nakita ko nakasabit sa dingding:
Plain lugaw – P 20.00
Lugaw with egg – P 25.00
Lugaw with Chicharon – P 30.00
Lugaw with Chicharon/egg – P 35.00
Lugaw with Duck’s egg – P 40.00
Lugaw with Ox Tripe Tail – P 45.00
Special Lugaw (w/ egg/chicharon/ox tripe tail) – P 50.00
Special Lugaw (w/ duck’s egg/chicharon/ ox tripe tail) – P 60.00
Lin..k kako. Lugaw na lang napakarami pang pagpipilian. Inabot ako siguro ng 10 minutes bago naka order kasi hindi raw available ang Special kasi may mga sahog na hindi available. Tapos may mga kasabay pa akong bumibili rin. At hindi rin agad sila makapili sa oorderin na ‘lugaw’.
Sa madaling-sabi naka order din ako. Binalot na ng tindera sa lalagyan ng pang take-out. Habang nagbabayad ako, narealize ko ang isang bagay.
In a way, maganda rin ang may pinagpipilian. Kasi kung wala, magiging napaka-boring ng buhay. Paulit-ulit at nakakasawa nga naman. Samantalang pag may choices ka, parang ikaw ang nagku-control ng sitwasyon.
Dahil hindi na masusunod ang nasa menu kailangan mo ngayon mag adjust sa sitwasyon at gumawa ng desisyon.
Di ba ganun ang gusto natin sa buhay? May kalayaan tayong gawin ang gusto natin kahit sa pagpili lang ng sahog ng lugaw?
Kaya din siguro sila binabalik-balikan ng mga customers nila kasi may pinagpipilian ang mga ito. Binibigyan nila ng empowerment ang mga bumibili. Hinahayaan nilang makagawa ng isang desisyon ang mga tao. Desisyon na ang magiging resulta ay makakakain sila ng masarap na walang nagdikta sa kanila bagkus ginawa nila ng galing sa kanilang sariling kaisipan, sariling pagtitimbang, at konklusyon.
Pag order lang naman ng lugaw ang pinag uusapan pero bakit parang lumalim ang usapan.
Uwi na nga ko gutom na si Chad.
Ang Kwento Ng Lugaw
Masama ang pakiramdam ni Chad kaya gusto nyang kumain ng may sabaw.
E since hindi naman ako marunong magluto ng sinigang, nilaga, o tinola, at ayoko sya pakainin ng instant noodles, tinanong ko kung ok lang sa kanya ang lugaw.
‘Ok lang po Daddy’ sabi nya
So pumunta ako sa may highway na alam ko may nagtitinda ng lugaw. 24 hours na bukas yun kaya alam ko may mabibili ako.
Pagdating ko sa lugawan eto ang nakita ko nakasabit sa dingding:
Plain lugaw – P 20.00 Lugaw with egg – P 25.00 Lugaw with Chicharon – P 30.00 Lugaw with Chicharon/egg – P 35.00 Lugaw with Duck’s egg – P 40.00 Lugaw with Ox Tripe Tail – P 45.00 Special Lugaw (w/ egg/chicharon/ox tripe tail) – P 50.00 Special Lugaw (w/ duck’s egg/chicharon/ ox tripe tail) – P 60.00