Isang tula na aking isinulat noong 2018 bago ako magtapos sa ika-labing dalawang baitang(Grade-12)
Ilang araw nalang at tututong na sa entablado, sa entablado kung saan tayo magtatapos sa ika-labing dalawang baitang(Grade-12).
Mga pinagdaanan ay hindi naging madali, maraming pagsubok ang dumating.
Ngunit kahit minsa'y hindi nag padaig
Maraming beses mang sinubok ng tadhana
Ngunit kahit kaylan ay hindi nagpadala
Patuloy paring bumangon, ilang beses mang nadapa
Marami mang nangyari, madami mang humadlang patuloy paring lumalaban
Ilang beses mang sumagi sa isip na wag nang lumaban
Ngunit nanaig parin mga pangarap na nais makamtan
Sa ating pagtatapos pasalamat sa ating mga magulang
Kung saan lahat ay ginawa upang maitaguyod ating pag aaral
Lahat ay ginawa nila para ikaw ay makatapos
Sa ating pagtatapos hindi nangangahulugan na tapos na
Tayo ay gagawa muli ng panibagong simula
Simula kung saan kakayod nanaman sila
Gagawin ang lahat upang matustusan ka
Lahat ng hirap ay titiisin
Makamit lamang ang kanilang naisin
Mga magulang na dugo at pawis ang puhunan
Mga balakang at kasu-kasuan ay nanakit kanilang titiisin
Bastat maibigay nila ang natatanging pamana nila sa atin
Dapat lang na suklian natin ating mga magulang
Wala mang medalyang maihandog
Sapat na ang diploma na ikay nakapagtapos
Dahil lagi nilang sinasambit "tanging edukasyon lamang ang aming maipamamana sa inyo na hindi mananakaw na kahit ninuman"
Kaya dapat lang na ating pahalagahan bawat sentimo, bawat piso dahil ito ay pinaghirapan nila upang tayo ay mapagtapos. Dapat maging proud tayo sa kanila dahil deserve nila na ipagmalaki natin sila sa buong mundo, kapos man sa karangyaan ngunit nagawa nila na tayoy itaguyod
Bago matapos ang aking mensahe, ikaw yakapin mo ang iyong magulang at magpasalamat ka sa kanya dahil naitaguyod ka nila. Kung hindi dahil sa kanilang pagsusumikap ay wala ka rito, wala tayo dito, salamat ama't ina malapit ng dumating panahon na ako naman, ako naman ang magsusukli sa inyong paghihirap, ako naman ang magtatrabaho para sa inyo. Mahal namin kayo isang masigabong palakpakan para sa ating mga magulang because they deserve it. Thank you and congratulation to all of us
Maganda po😁