"MAHAL KITA PERO TAMA NA"
Mahal kita pero tama na,
Limang salita na huling binitawan
Kasabay nang rumaragasang luhang di na napigilan,
Luhang dulot ng pagsuko ko at paglimot mo,
Paglimot mo sa mga katagang iyong binitawan
Ikaw
Ikaw ay aking minahal
Minahal ng lubos kung kayat sarili koy nakalimutan,
Nakalimutan ko kung paano paba lalaban,
Lalaban sa relasyong wala nangang kasiguraduhan
Mahal kita pero diko na kinaya
Di na kinaya ang masasakit na ipinapadama,
Di na kinaya ang panloloko mong ginagawa,
Dina kinaya ang mapapait na katotohanang iyong ipinapadama
Kaya ako'y humihiling na palayain na
Dahil batid kong ako nalng ang lumalaban
Lumalaban sa relasyong iyong kinalimutan
Lumalaban ako na parang sumasabak sa giyerang walang dalang pananggalang
Ako na rin ang kakalas
Kakalas sa istoryang ating sinimulan
At tila mananatili nalang alaala ang ating pagiibigan
Alaalang dadalhin ko hanggang sa aking huling hantungan
Alaalang datiy nagbibigay sakin ng kasiyahan
Ngayoy tila alaala nalang na magiging sanhi ng aking kalungkutan
"MAHAL KITA PERO TAMA NA"
Mahal kita pero tama na, Limang salita na huling binitawan Kasabay nang rumaragasang luhang di na napigilan, Luhang dulot ng pagsuko ko at paglimot mo, Paglimot mo sa mga katagang iyong binitawan
Ikaw Ikaw ay aking minahal Minahal ng lubos kung kayat sarili koy nakalimutan, Nakalimutan ko kung paano paba lalaban, Lalaban sa relasyong wala nangang kasiguraduhan
Mahal kita pero diko na kinaya Di na kinaya ang masasakit na ipinapadama, Di na kinaya ang panloloko mong ginagawa, Dina kinaya ang mapapait na katotohanang iyong ipinapadama
Kaya ako'y humihiling na palayain na Dahil batid kong ako nalng ang lumalaban Lumalaban sa relasyong iyong kinalimutan Lumalaban ako na parang sumasabak sa giyerang walang dalang pananggalang
Ako na rin ang kakalas Kakalas sa istoryang ating sinimulan At tila mananatili nalang alaala ang ating pagiibigan Alaalang dadalhin ko hanggang sa aking huling hantungan Alaalang datiy nagbibigay sakin ng kasiyahan Ngayoy tila alaala nalang na magiging sanhi ng aking kalungkutan