Nakakatuwang isipin na sa pag usbong ng makabagong panahon malaki ang pagkakaiba ng gawi ng kabataan noon at ngayon. Noon kuntento na kaming makapaglaro ng patintero, agawan base, chato, text na walang kasawaan taya pati PATO, noon pag marami kang goma sa kamay magaling kang maglaro... lagayan ng sapatos na puno ng jolen... kaya masasabi kong na enjoy ko ang aking kabataan, kahit minsan may habulan ng aking ina na may dalang pamalo... ngayon cellphone, tablet, computer yan ang laro ng kabataan... edad 2 marunong ng maglaro ng gadgets yan ang kabataan ngayon. Noon pag napagalitan ka ng iyong magulang alam mong naitama ka, kahit na mapalo ok lang dahil ramdam kong mahal ako ng aking magulang... ngayon masabihan lang ang kabataan ng mga salitang hindi maganda sa pandinig siguradong DSWD ka, haizt kabataan nga naman... ang sabi ni Rizal , "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Sana mapangatawanan... hindi kabataan ang sisira sa bayan...
5
41