Sino sa atin ang hindi mahihilig kumain ng mga pagkain sa tabi-tabi lalo na ang isaw at betamax. Isa yan sa mga paboritong pulutan ng manginginom at pampalipas kainin ng mga buryong na sa kanilang bahay lalo na sa panahon ng pandemya na konakaharap natin ngayon.
Tanong: sino ang hindi pa nakakatikim nito? Tara sa kanto lalo na't pasapit ng ang dili siguradong hindi yan mawawala. May inihaw na paa, meron din isaw ng baboy na makikita mo talaga ang taba. Meron ding barbeque, hmmnn.. "yummy"lalo na pag isinasawsaw sa sukang may hiniwang sibuyas at pepino talga namang walang kasing sarap. Makakakita ka rin ng tenga... tenga ng baboy, "nalinis kayang mabuti?" At hindi rin mawawala ang ulo ng manok. Nang kabataan ko ang biro ng aking kapatid, "kapag kumain ka ng ulo ng manok, tatalino ka" kaya ayun madalas naming kainin ang problema hindi naman kami tumalino...
Kung ayaw mo naman ng inihaw sa gabi pwede mong subukan ang balot at penoy (masarap din ung sabaw) lagyan mo lang ng asin at suka, naku walang kasing sarap. Pero tandaan bawal ang sobra sa katawan kaya kung kakain limitahan upang hind ka highblodin.
Paalala:masarap kumain lalo na ng mga pagkaing sa kanto o tabi-tabi makikita ngunit hindi yan dapat araw- arawin. Alagaan ang sarili