How to be You po?

0 16
Avatar for Mariana03
3 years ago

How to be you? Paano maging ikaw?

Mga tanong na madalas maglaro sa aking isipan. Yung makikita mo ang mga tao sa paligid mo na tila masaya at walang problema tapos ikaw tila pasan mo ang daigdig. Mapapatanong ka na lang talaga ng How to be you?

I'm a loner, mas gusto kung mag isa. Wala lang nasanay ako na ako lang. Problema ko ako lang. Pero yung ako lng dumatin ako sa punto na bakit ganun, sila masaya tapos ako eto malungkot. Yung sila nagagawa nila lahat ng gusto nila yung ako parang eto nakakulong . Bakit ganun, gusto ko ring maging masaya like them. Gusto ko ring maging malaya tulad ng isang inong lumilipad sa himapapawid. Kaya lang hindi ganun. Nakakainggit sila. Malaya nilang nagagawa lahat ng walang pumupuna sa ginagawa nila o di naman kaya wala silang pakielam sa iba. Pero bakit ako tila concious sa lahat ng bagay. Hindi pwedeng magkamali kasi feeling mo magagalit sila. Nakakainggit sana ganun din ako, pero hindi.

Dahil dun eto ako nag gagamot dahil kinain na ako ng DEPRESSION, ANXIETY, OCD...

How to be you po? Gustong maging tulad ninyo ang maging masaya at tila walang problema.

6
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder

Comments