Deadline

0 14
Avatar for Mariana03
3 years ago

Ano ba ang mas gugustuhin mo work from home o gawin ang dati mong ginagawa. Napakirap talga ang magtrabaho, ngunit mas mahirap pala ang work from home. Nakaka pressure un ang nararamdaman ko. Biruin mo araw araw kailngan mong mag in online, hindi lang yun kailngan mong magpasa ng ebidensya na talagang ginagawa mo ang trabaho at hindi nakahilata ka lng sa bahay.

Araw araw may deadline at sobra siyang napakahirap. Bakit? Una sa bahay hindi lng trabaho ng gagawin mo an diyan yung mag luluto ka, maglilinis ng bahay at pinaka mahirap sa lahat ay gawin ang lahat ng ito kasama ang pag-aalaga ng iyong anak. Yung tipong katatapos mo lng maglinis ng bahay pag lingat mo eh makalat nanaman. Mapapa buntong hininga ka na lng dahil hindi mo naman basta mapag sasabihan ang anak mo lalo na kung siya ay isang taong gulang palang. Pero sabi nga work from home kahit na ginagawa mo yan iba pa rin dahil trabaho mo yun. Masakit lang isipin na nasa bahay ka nga pero ang utak mo nasa trabaho. Nasa bahay ka nga kasama ang iyong anak ngunit hindi mo naman full time maalagaan, dahil may deadline kang ipapasa.

Sa ating mga kababayan pakiusap naman. HUWAG NG PASAWAY. Mahirap ang magkasakit lalo na sa panahon ngayon ng COVID 19 baka nemen manatili na lang kayo sa inyong mga tahanan para hindi na tumaas ang bilang ng nakakasakit.. aba napaka hirap kayang gumawa sa bahay lalo na pag maraming DEADLINE

3
$ 0.00

Comments