Broken Family

0 15
Avatar for Mariana03
2 years ago

Masakit marinig, pero bakit patuloy na nagaganap?

The first time I fell in loved was 2014. 24 na ako that time when I met him. Hindi ko siya pinangarap, at lalong hindi siya ang ideal man ko. Kabaligtaran siya sa lahat ng gusto ko, mahilig uminom na ayaw na ayaw ko since never pa akong nakadikit ng alak hopefully hindi gaanong maalala, pero lasengero siya. Ayaw ko sa smoker dahil pag naka amoy ako ng usok nanakit ang ilong ko, ayaw ko rin ng tamad at walang trabaho dahil matipid ako at gusto kong makaipon para sa future pero jobless siya.at higit sa lahat gusto ko ng lalaking loyal at stick to one dahil mahalaga ang katapatan sa relasyon, but sad to say womanizer siya. Ayaw ko sa kanya pero siya ang minahal ko. Ayaw ng pamilya ko sa kanya pero inilaban ko siya. 2017 ikinasal kami kahit ayaw nila natul9y ang kasal. 2018 when I found out na buntis ako masaya pero takot ako lang ang may maayos na trabaho siya minsan meron minsan wala. I suffered depression pero bawal uminom ng gamot for the sake of my baby pero sa halip na kausapin ako mas naging busy siya sa bigo live at facebook. S9brang takot to the point na ayaw ko ng mabuhay, nakiusap ako na kausapin ako kailangan ko ng kausap dahil hirap na hirap na ako pero wala. I decided na bumalik sa family ko at pinakiusapan siya na lumipat sa makakamura ng upa pero wala kaya humingi ako ng space, pero d ko pala kaya mahal na mahal ko siya kahit na hindi niya ako inilaban sa pride nya. Pero umayaw siya. Nabuhay binata. Nakaayos after a year at nagpasyang magsama ulit pero biglang gumuho ang mundo ko ng malaman kong nakabuntis siya. Sobrang sakit. Halos isampa ko ang buhay na meron ako. Ayaw ko na pagod na ako. Never nyang binisita ang anak namin pero nagawa nyang bumuo ng bata sa iba at masakit pa ang ipinalit xa sa akin eh babaeng marami na ring anak sa iba't ibang lalaki. Pero tinanggap ko iniintindi ko dahil mahal ko siya. Pero bakit ganun niloko siya nung kabit pero mas pinaniwalaan nya to kesa sa akin sa aming mag ina. Ayaw ko ng BROKEN FAMILY pero ito na ata ang kahahantungan ng aking pamilya. Masakit at mananatiling Masakit dahilan alam ko na isang lalaki lang ang may lugar sa puso ko ngunit malabo na sa katotohanan na siya ay makasama.

0
$ 0.00
Avatar for Mariana03
2 years ago

Comments