Ano ang totoo?

0 21
Avatar for Mariana03
3 years ago

Sa buhay natin dumarating tayo sa punto na napapatanong tayo ano nga ba ang totoo? Totoo ba ang ipinakikita nya? Totoo ba ang mga ginagawa nya? O lahat ito ay isa lamang likha ng ating ilusyon.

Gaya ng PAG-IBIG. Madalas maitanong natin totoo ba ang kanyang pag sinta o ito ay biro lamang? May makikilala, may dadaan sa ating buhay ngunit hindi natin basta mawawari alin ang totoo at alin ang biru lamang. Kaya sa lahat tandaan maging maingat, mapagmasid dahil hindi lahat ng ginto ay totoo. Para sa mga kababaihan bago sagutin ang pag sinta ng isang tao alamin muna kung malinis ba ang kanyang hangarin. Ang mga salita madalas nakatago sa mabulaklak at kaibig ibig na maskara. Sa mga kalalakihan ang pagmamahal ay hindi larong basketball na pwede mong paikut ikutin sa iyong palad. Maging tapat sa pinipintig ng puso.. Sa mga kabataan "Huwag MAGMADALI dahil ang taong nagmamadali MADALAS magkamali"

3
$ 0.00

Comments