Mabilis kumalat ang balita tungkol sa dalawang lalaoong natagpuang patay.
"Seb, ano kaya ang nangyari? " , "kaya nga eh... baka may kumakalat ng mababangis dito sa atin o Dalia anak, halina't sabayan mo na kami sa pag aalmusal". "Wala po akong gana tay, kukuha lang po ako mg tubig"- ang sagot ni Dalia.
Kinagabihan, habang nahihimbing ang mag asawa ay muling lumabas si Dalia. At gaya ng nauna isang magandang dalaga ang naglakad palabas ng tahanan ng mag asawa. Kinabukasan ay gumalantang muli ang balita tungkol sa karumal dumal na patayan. Dahil sa pangamba ng mga tao sa baranggay ay bumuo sila ng grupo na huhuli sa nakawalang hayop.kinagabihan habang ngroronda si Kulas ay nakakita siya ng magandang dalaga na tila umiiyak sa ilalim ng punong talisay. "Ms ok ka lng ba? Alam mo bang mapanganib ang gumala gala ngayon lalo na at may ligaw na hayop ang pumapatay" wika ni Kulas. Pag-angat ng mukha ng dalaga ay napasigaw si Kulas dahil ang dalaga ay walang mukha. Sa takot ay hindi na nakatakbo si Kulas.
Kinabukasan ay napabalitang nilapa ng ligaw na hayop si Kulas. "Nakakatakot na dito sa atin, grabe na ilang kabaryo na natin na ang namatay" hindi na tama ang ganito.
Abala ang mag asawa sa araw na iyon. Inaayos nila ang kanilang tahanan upang hindi makapasok ang ligaw na hayop na pinaghihinalaan na pumapatay sa kanilang bayan." Dalia anak, pakidalhan nga kami ng maiinom ng iyong ama" "opo nay, sandali lang po" ang sagot ng dalaga.
Bandang alas sinko ng hapon ay dumating ang kapatid ni mamg Sebastian na si Aileen. " "Kua, kamista na kau? Hindi ba't ika apatnaoung araw ng kamatayan ni Dalia bukas, tayo ba ay magpapadasal" ang wika ni Aileen. "Ano bang pinagsasabi mo Aileen? Bakit na5in ipagdadasal ang iyong pamangkin eh buhay pa si Dalia, hindi ba't nalabanan niya ang kanyang katamdaman, Dalia anak pumarine ka nga" " kua, ate pakawalan na ninyo ang kaluluwa ng anak nyo... halos isang buwan na siyang patay" ..." ANONG PINAGSASABI MO? BUHAY ANG ANAK NAMIN, BUHAY ANG PAMANGKIN MO..." ang pasigaw na sagot ni mang Sebastian sabay takbo sa silong ng kanilang tahanan. Nang abutan ni Aileen ang kanyang kua at ate tumambad sa kanya ang isang nakakasulasok na amoy na tila nabubulok na lamang loob ng tao. Nakita nya ang kanyang kua habang hawak ang naagnas na katwan mg kanilang anak. "Dalia, anak gising na andito ang iyong tita" ang wika ni aling Rosal. " Ou nga anak bangon na ang tugon din ng kanyang asawa. Hindi maipaliwanag ni Aileen kung ano ang kanyang mararamdaman habang nakalupagi sa sahif ang kanyang kapatid at asawa nito habang hawak ang naagnas na katwan ng anak at nasa palibot ng mga nabubulok na lamang loob ng tao. Dahil sa takot at pag aalala sa kanyang kapatid at asawa nito ay tumawag siya ng tulong.
Dito nalaman na ang pumapatay ay ang mag asawa na dahil sa sobrang kalungkutan ay sinubukang humingi ng tulong sa demonyo upang mabuhay na muli ang kanilang anak.
Wakas
Maganda po ang story. Keep it up po! Proof read niyo lang bago post. May mga word na misspelled.😊