Iresponsable

Politiko, gobyerno, kurapsyon Ito daw ang pinakaproblema sa ating nasyon, Nagkamali ng pagpili, Nagkamali ng tinakda, Natatapos ang serbisyo ng wala man lang ginagawa, Pura tunganga, puro upo, Kahit ganun daw ay nagpepresyo ng sampu, Sampu, bente, trenta mil, Minsan umaabot pa sa mil-milyon, Maraming hindi sumasang-ayon, Maraming hindi tumutugon, Pangako na sa upuan na lang binabaon, Nakakagalit ng emosyon, Puro na lang imahinasyon, Sisihin ang gobyerno, Sisihin ang politoko, Sisihin ang taong binoto, Sisihin ang taong bumoto.

Bumoto? Oo totoo, Puro kasi tayo sisi sa ibang tao, Puro ikaw, Puro siya, Namumuro na sila. Paano naman ang ako, Akin, Hindi ko kasi maamin, Ang mali kong nagagawa, Puro sila kutya at tawa, Mga galit na akala mo naman ay may nagawa, Ngayon ko naisip at nakakahiya, Hindi lang pala sila ang problema sa ekonomiya, Ngayon ko nabilang ang bilang ng walang hanggan, Tanong na ang sagot ay kurapsyon tapos tinuldukan, Tumingin tayo sa salamin na hindi natin mahusgahan, Kailan ka ba nagtapon ng basura sa tamang basurahan.

Problema ng lipunan, Paano ba natin wawakasan, Kung puro basura ang makikita sa daan, Utos na hindi sinusunod kahit ng kabataan, Kabataan ang pag-asa ng bayan, Ngunit nasan na ang kakayahan, Tama ba ang rason ng kanilang pinaglalaban, Makikita na puno ang kalye ng mga sasakyan, Mga nag-aangasan, Pabilisan, gitgitan, sigawan, Hindi mo maintindihan, Kung kasali ba sila sa isang paligsahan, Ang daming sagutan, Dinadaan sa busina ang palakasan, At ano na ba ang nangyari sa kalikasan, Sementado na ang mga kagubatan, Kailan ba tayo nagtanim ng mga puno at halaman.

Nakapagtataka Bakit pa natin kailan maglagay ng babala, Bawal magtapon dito, Bawal umihi dito, Bawal tumawid may namatay na rito, Mga babala na kadalasang hindi natin nagagawa, Kahit na may mga baha, Kahit na may mga karatula, Kahit na may mga batas, Alalahanin mo hindi pa yan lahat galing sa itaas, Marami pa tayong kailangang matuklas, Hindi natin kailangan sisihin ang gobyerno, Dahil tayo ang ugat sila ang puno, Maging tulay tayo sa ating mga pinuno, Kailangan natin ng sustansiya, Mabuhay tayo bilang tao na may disiplina, Ito ay malalang sakit na kailangan ng lunas, Ito ang solusyon para sa mahabang bukas, Walang disiplina ang problema ng lipunan, Wag kang makisabay sa lambot ng unan, Wag kang maging semento sa ginagawa ng mga kinauukulan. Si Rizal namatay ng may kabayanihang iniwan.

-Ctto

1
$
User's avatar
@Marialyn01 posted 3 years ago

Comments