"Tula Para Sa Mga Taong Iniwan Ng Walang Sapat Na Dahilan"

SEPTEMBER 7, 2018 · PUBLIC

by: Sheremy Pasagoy Bernabe

Nasubukan mo na bang magmahal? Magmahal ng ikaw lang ang lumalaban Magmahal ng ikaw ang laging sinusukuan Magmahal ng ikaw ang laging talunan. Napakatamis sa simula, Ngunit ang tamis bigla nalang nawala. Mga katagang binitawan niya, Tila ba nakalimutan nalang bigla. Ang mga pangako niya, Napako nalang bigla.

Lumisan ng walang sapat na dahilan, Lumisan na nag-iwan ng mga katanungan, Katanungang nasakanya lang ang mga kasagutan. Gumigising na siya agad ang laman ng aking isipan, Matutulog na basa nanaman ang aking unan. Araw-araw luha ko'y patuloy paring pinupunasan, Pilit nilulunok ang sakit na nararamdaman. Sa pag-ibig niyang wala palang kasiguraduhan. Sana una palang ako'y kanya ng inabisuhan, Para sa ngayon hindi na ako nasasaktan.

Siya ang nang-iwan, Ngunit pilit ko parin siyang pinaglalaban. Siya ang nang-iwan, Ngunit pilit ko parin siyang binabalikan. Siya ang nang-iwan, Ngunit ako ang nahihirapan. Sana hindi nalang siya bumitaw ng matatamis na salita, Para hindi nalang sana ako umasa. Sana hindi nalang siya nagsabi ng "Mahal kita", Para hindi na sana ako naniwala.

1
$
User's avatar
@Marialyn01 posted 3 years ago

Comments