Missing my nanay

0 28
Avatar for Maria
Written by
4 years ago

Sobrang nakakamis talaga magkaroon ng nanay..

2year na syang wala samen,kasama na sya ni God, gang ngaun ang sakit padin pag naiisip ko sya,.. namatay po sya dahil sa heart attack,..ang traydor na sakit..

Taong 2017 una syang na confine sa ospital dahil hirap na huminga dahil sa ubo.. sabi nga meron daw syang namuong dugo sa ugat sa puso na papunta sa utak,.. kahit papano nung lumabas sya sa ospital after nya maconfine naging ok naman sya meron lang syang iniinom na maintenance na gamot,.. tapos feb 2018 sobrang natakot ako dahil ako at mga anak pamangkin ko ang kasama namen sa bahay andto din pala kapatid ko bunso pero tulog sya sa kwarto nya dahil puyat sa trabaho,.. dahil nauna na kame ng anak ko kumain nasa labas ako ng terrace nag ccp yung nanay ko at pamangkin kakain na sila kakatapos lang din maligo ni nanay,nung una naririnig ko may inuutos sya sa pamangkin ko mya-mya parang iba na sinasabi nya nag utal-utal na sya tpos narinig ko tinatawag na ko ng anak ko panganak habang umiiyak..tatakbo nako sa loob kita ko tabingi na ung bibig ni nanay tapos putla na sya sinbihan ko agad mga bata na humingi ng tulong sa kapitbahay tapos napakuha ako kutsara nilagay ko sa bibig ni nanay kase ganun ung mga napapanuod ko para hindi tuluyan tumabingi yung bibig..natataranta nako nun kase ayaw gumising ni nanay nerbiyosa po kase talaga ko.. naalala ko andun pala kapatid ko todo sigaw nako para magising sya ayun pati mga kapitbahay naglapitan na sakto pumunta samen tita ko kaya kapatid ko at tita ko naghatid sa ospital nasa wotk kase si tatay nun..isa ting nerbiyoso un.. todo pray ako kay God na sana maging ok si nanay.. nung makabalik yung tita ko kapatid ko lang naiwan sa nanay ko pinabantayan ko muna sa tita yung mga anak at pamangkin ko kase nasa work padin nun asawa ko..tapos tumawag ako sa foreman ng tatay ko para masabi sakanya nangyare..tpos pag dating ospital sinbi na need na ilipat si nanay ospital dahil yung pinagdalhan namen na ospital ehh walang icu.. yung kapatid ko sya umuwi para kumuha ng gamit , ako ang kasama ng tatay ko sa ambulance pra malipat sa ibang ospital si nanay..stroke nga daw ang umatake kay nanay sobrang hirap makita syang ganun,

Na confine sya ng nsa 1week ata mahigit,.. nung makauwi ng bahay naging mabilis ang recovery nya.. ako lagi ang nag babantay sakanya kase need ni tatay mag work para sa gamot ni nanay ayw nya din daw umasa samen kase may mga anak din ako na need suportahan.. mahirap kase may mga alaga din ako bata, pero kinakaya ko kase nanay ko yun.. yun na yung pagkakataon na makabawi ako sa lahat ng sacrifices nila sakin,. Mabilis syang lumakas nun akala namen dirediretsyo na yun

April 22,2018 ng gabi, nanunuod sila ng t.v nila tatay at mga bata ako naman nagluluto katulong si hubby.. akala daw ng pamangkin ko nakatulog lang si nanay dahil nakahiga nga sila habang nanunuod,pag tingin ng tatay ko putla na gingising nya pero ayaw na mag respond nagsisigaw na tinawag ako ng tatay ko ramdam ko gusto na maiyak ni tatay pero pinipigil lang nya binubuka ko bibig ni nanay dahil lalagyan ko sana ulit ng kutsara pero hindi na sya mabuka parang nag lock na sya, dahil nakita ng asawa ko na parang hindi na kaya buhatin ni tatay si nanay dahil parang nanlambot sya..hindi narin napansin ng asawa ko na naka bixer at nakahubad pa pala sya ,dinala nila si nanay ulit sa hospital, ako sumunod nalang kase nakiusap pako sa tita ko na bantayan mga bata at nasabi ko nga din nangyari.. todo dasal ako ulit na sana maging ok ulit sya.. pag dating ko ospital pinatest ang dugo nya pinadala pa sa ibang ospital dahil wala daw sila laboratory nun.. nalaman nga na heart attack ililipat sana sya ulit ng hospital kase nga kulang kulang equipment ng hospital na un..kaso hindi ng sstable ang vitals nya kaya hindi magawang ilipat at dahil nga hirap huminga si nanay nilagyan na sya ng tubo papunta sa baga tpos dahil wala silang machine para dun need na mano mano ang pag pump para makahinga si nanay nung una puro asawa ko ang nagawa nung tumagal naawa nako sinbihan ko na umuwi muna gawa ng mga bata,ako na muna nag pump.. nung dumating kapatid ko salit salitan kame, kahit antok nako pinpigilan ko kase iniisip ko bka hindi makahinga si nanay kahit ngkakapaltos na kamay ko ayos lang para sa buhay ni nanay.. madaling araw palang pinaliwanag na ng doctor na gamot nalang nakakapag patibok ng puso ni nanay, na need namen na pag isipan kung ano disisyon namen kinabukasan nagdatingan na kapatid ni nanay sinabi nga nila na sobrang hirap na si nanay na dapat na namen sya palayain sa hirap sobrang hirap na disisyon un lalo na sa tatay ko na mahal na mahal si nanay,.. sa totoo lng nung madaling araw sinbi ni doc itigil ko muna pag pump pinkita nya skin sobrang bilis ng tibok ng puso ni nanay kita sa dibdib nya tapos hindi na talaga sya nahinga hinihintay napang dw nila na kusa mag stop yung heart ni nanay habang hindi pa kame nagpapasya.. sinabi koa kay God kung talagang gusto na syang kunin gawin na nya kahit masakit kaysa ganun na naghihirap sya sobrang sakit at hirap makita.. hapon na napagdisisyunan nila na itigil na para makapag pahinga na si nanay pinapirma na si tatay alam nyo yung feeling na ayaw ko pa itigil pag pump kase naasa pako,gusto ko umiyak pero parang ayw lumabas ng luha ko pero yung puso ko parang pinipiga,.. sinabihan nalang nila ko na tama na..sobrang hirap na si nanay nakita ko pa na tumulo yung luha ni nanay duon ako napaiyak na talaga tinignan na ng mga nurse yung vital nya at zero na nga talaga wala na talaga tibok yung puso nya atska maiitim na din mga kamay nya.. sobrang sakit na parang gusto ko sumigaw nun.. hangang ngayon naiisip ko nangyare bigla nalang ako napapaiyak mag isa..

Alam ko lagi kame ginagabayan ni nanay at alam ko din na masaya na sya sa piling ni God pero still sobrang namimis ko padin sya..😥😥😥

4
$ 0.00
Avatar for Maria
Written by
4 years ago

Comments

Nakakalungkot naman basahin. Pero yong tatay nyo po buhay pa ba? Ok lang yan maam hindi ka pababayaan ng Panginoon.

$ 0.00
4 years ago

Ou buhay pa sya naawa lang ako minsan kase natutulala sya namimis nya daw si nanay lalo pag may masama syang nararamdaman.. inaalagaan ko namn sya pag masama pakiramdam nya pero iba parin siguro talaga kung si nanay yun.. buti nalang nga may work sya kaya medjo nalilibang ang isip nya..

$ 0.00
4 years ago

Siyempre iba pa rin yong asawa niya maam ang nag aalaga. Sige lang at least nandyan kayong mga anak para s kanya..ilang taon na po ba siya?

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga ehh.. naawa din ako minsan sa tatay ko pag nakikita kong malungkot, mag 60 na tatay ko ngayong october ehh..

$ 0.00
4 years ago

Same po Tayo. Ako Ang tagal ko na din Hindi nakikita mama ko. May 4 months na din at sobrang miss ko na Rin Sya. Mahirap talaga pag malayo sa kanya.

$ 0.00
4 years ago

Bakit nasaan ba mama mo? Ako kase habang buhay ko na syang hindi makakasama at makikita kaya nakakalungkot, buti nalang kahit pano naalagaan ko pa sya bago man lang nya kame iniwan..

$ 0.00
4 years ago