Lahat sa atin mahalaga na makapag aral dahil ito ang dahilan para maging maganda ang magiging buhay natin sa hinaharap,pero papaano kung hindi lahat makakayang makapag aral!?
Una sa lahat sa hirap ng buhay ang iba pinipili na lang ang maghanap buhay kaysa unahin ang pag aaral sapagkat mas matimbang sa kanila ang magkaroon ng kakainin sa araw araw kaysa gumastos ng pera para sa mga gagamitin sa paaralan pati na rin ang panahon sa pagpasok,kaysa pagnasa trabaho sila dahil duon atleast kumukita sila.
Pangalawa may mga kabihasnan na masyadong malayo sa eskwelahan kung saan sila pwedeng makapag aral dahil sa totoo lang sa oras pa lang ng lalakbayin nila sa pagpasok sa eskwelahan,pagod na sila,papaano pa kaya ang pabalik? Kaya nga ung iba hindi na pinag aaksayan ng panahon...Nakalulungkot isipin na ang bagay na ito ay naisasakripisyo dahil sa maraming dahilan,pero para sakin kung gusto mo naman may magagawa ka pero sana rin ang ating gobyerno ay binibigyan ng halaga dahil isa ito sa mahalagang parte ng buhay ng tao,dahil kadalahan pa nga kung sino pa ang mga tao na galing sa hirap siya pa ang umaangat sa buhay sa hinaharap at sa totoo lang mas may maganda pang pag uugali kaysa sa mga biniyayaan ng magandang buhay.
I love your article dear