Baon sa Utang
Nanood ako nang youtube at ni research ko yung
"paano makawala sa utang"
Hahaha talagang doon na napunta yong isip ko!
Sa dami nang utang talagang nakaka stress. Hindi pala biro pag may UTANG noh?
noong mga nakaraang taon wala naman kaming mga utang sa naalala ko takot akung mangutang . Nag end yung taong 2018 ok pa ang lahat kahit mahirap nakakain naman nang isang beses sa isang araw ( hehehe ) Tatlo sa isang araw pala.
Lumipas ang ilang buwan iwan ko bakit may utang na ako. May utang na motor , sa awa naman nang Panginoon na tapos rin namin ang bayarin sa motor. Pero ngayon sirang sira na palagi nalang humihingi nang pera.
Ok lang sana kung isa lang yung utang kaso ang dami na ehhh nakaka stress ang pinakalala ay mag loan sa isang microfinance para ipang bayad sa ibang utang . Diba talagang hindi na na tama. Hindi nanga tama yung mangutang kung hindi lang importante yun pa kayang mangutang para ibayad sa utang!!
minsan nga mawalan na ako nang pag asa. Kung makakabayad paba kami? Pero ika nga sa quotes na nabasa ko sa facebook " milyons ang kailangan , libong libong pagsubok isa lang katapat nyan ay Dasal."
Ang dami na kc yung utang namin ehh kaliwat kanan na yata. May loan sa micofinance, buwan buwan ang bayaran. May utang pah sa sosyo. Sosyo? Yun yung patung, patung na interest ang resulta mas malaki pa yung interest kaysa puhunan na na utang. (Grrrr.) Bakit pa kx na uso payang mga sosyo nayan uii! Ayan tuloy hindi maiwasan maka utang talaga.
At ito payung pinakalala na napakalaki nang utang namin uhh yung asawa ko nagtrabaho dati at na sangla yung ATM , ang resulta trabaho nang trabaho kunti nalang ang makuhang sahod kc automatic deduction sa napagsanglaan nang ATM. Yung nakaraang taon malakas pa yung covid. Napas swerte naman talaga nang asawa koh napositibo siya sa covid. Ayun!! Pinahinto sa companya na magtrabaho, hanggang ngayon nakasangla pa ang ATm. Yun ang pinakamalaki naming utang!
Ang hirap talaga pag na baon sa utang, nakakatanda nang mukha.!
Yong blog na pinanood ko tungkol sa utang nag tanong siya sa blog niya " kung anong bang meron mayroong asset kah?" Yun yung tanong nya .napa isip tuloy ako?? Kaylangan daw ebenta pang bayad sa mga utang " meron kangang ganyan pero malaki naman ang utang mo na araw araw nakaka stress sayo? " dagdag pa nya.
Mayroon ba kami nito? wala naman kaming mabenta ehh hehe wala naman kaming mga gamit sa bahay na mamahalin na pwedeng e benta. Hindi rin pwede bahay kasi saan na kami titira.?
Noong bago pa lang kami ikasal nang asawa ko may iniregalo sa amin na lupa nag regalo yong side nya pabaon daw sa amin yun ay lupa isang hektarya lang naman yun ang naisip namin na ebenta. Pero nakakapang hinayang kc ehh nag iisang lupa lang namin yun. Paano naman ang dalawang anak namim pag nagsilakihan na. Ano ang maiwan namin sa kanila.
Nakakaloka !! Ang hirap pag baon sa utang!.
Pero alam ko, makakawala din kami sa utang na hindi magbenta nang lupa.!
Kayo kung kayo wala pang mga utang wag na kayo mangutang hehehe.
Salamat talaga na may platform na ganito pwede natin mailabas kung ano ang nasaloobin natin.:)
;) salamat sa pagbasa :)
Yung mama ko rin ang daming utang! Palagi syang stress