Naranasan mo na ba maaksidente na walang galos?

2 8

Share ko lang yung nangyare sakin nung second year high school pa lang ako.Nakatira ako nun sa side ng Lolo ko. Periodical test nun,naglalakad ako naghahanap ng masasakyan tapos may humintong tricycle inalok ako ng sakay,sumakay naman ako.Syempre alam nya namang naka uniform ako,kala ko dun ako sa school ko dadalhin. Sa ibang daan kami dumaan,naisip ko na baka ihahatid nya pa yung dalawang estudyante sa school nila. So di na ako umimik nun. Tapos may isa pang tricycle at nagyaya ng karera. Nauna yung tricycle na sinasakyan ko nun. Doon ako sa likuran ng driver. Lumingon ako sa likuran ko upang tingnan yung isa pang tricycle. Laking gulat ko yung gulong ng tricycle na sumusunod samin papalapit na sa pagmumukha ko. At doon bigla na lang natumba ang tricycle na sinasakyan ko. Pero ako napatayo at hindi naipit sa tricycle na natumba,pero yung buong katawan ko nanginginig di ako makaalis sa kinatatayuan ko,,wala ako ni isang galos nun. Pag lingon ko sa paligid nabangga pala ng isan van ang naksunod na tricycle samin. Napat thak you Lord na lang ako nun,dahil wala akong galos.

Kamalasan nga lang di ako nakapag exam,at di rin nakasama sa fieldtrip kinabukasan.

1
$ 0.00

Comments

Okay lang kahit hindi ka nakapag exam at fieldtrip ang importante eh humihinga ka padin. Diba?

$ 0.00
3 years ago

True ka jan, feeling ko nga ginabayan ako ng guardian angel ko nun ei., emagine bumalentong yung tricycle di ako naipit,,namalayan ko na lang nakatumba na yung tricycle,naipit yung driver at bata yung sakay sa loob. Napatanong na lang ako sa isip ko nun "anong nangyare?"

$ 0.00
3 years ago

Napakabuti talaga ng Diyos. Pinapatunayan lang ng kwento mo na lagi nating kasama ang Diyos sa lahat ng oras. Nilalayo Niya tayo sa panganib basta lagi lang tayo magdadasal. Hindi pa talaga oras na mamaalam ka sa mundo, binigyan ka pa ng pagkakataon, ng pangalawang buhay. Gamitin mo po sa tama ang buhay mo. Maging inspirasyon ka sa kapwa. Salamat sa pagshare mo ng kwento mo. Napakapalad mo po. Ingat nalang lagi.

$ 0.00
3 years ago

Dun ko napatunayan na totoo nga siguro na may guardian angel ang bawat tao na gagabay satin at magliligtas satin sa ano mang kapamahakan.

$ 0.00
3 years ago