Para sa Pangarap

5 26
Avatar for Maemae
Written by
4 years ago

Ibat ibang mga pangarap, sari-saring istorya ang bumubuo sa pagkatao ng bawat isa.Mga nagnanais na mabigyan ng maganda at makulay na katapusan ang kahuli hulihang pahina ng buhay .

Isang panaginip at milagro kung ito'y mangyayari, ganyan ilarawan ni Moy,18,ang mithiing halos isang dekada na nyang iniuukit .Ngunit dahil sa kahirapan na tila isa na nyang kakambal, ang pangarap na maging isang guro na dati ay kay linaw ngayon ay unti unti nang lumalabo pero sa kabila ng hirap ni minsan hindi sumagi sa kanyang isip na ibaon ang lahat sa limot

"Natutunan ko sa lola ko na bago magtagumpay daraan ka muna sa isang pagsubok dahil mas masarap na ipagmalaki mo ang isang bagay na alam mong pinaghirapan at pinagsikapan",saad ni Moy habang bakas sa kanyang labi ang ngiti na tila ngayon pa lang nya pinakawalan at lumitaw.

Gamit ang katiting na liwanag na nagmumula sa naghihingalo ng gasera ay matiyagang ninanam ni Moy ang bawat letra at mensaheng hatid ng libro.Nagmimistulang ito na ang kaniyang agahan bago tumungo sa kanyang pangalawang tahanan ang paaralan.

Kumakalam man ang sikmura hindi ito ginawang dahilan ni Moy upang ang pag aaral ay maipagsawalang bahala.Bagkus ay ginawa pa nya itong inspirasyon sa pagkamit ng kanyang mumunting pangarap.

Sa tulong na din ng kanyang magulang na matiyagang ibinababad ang mga paa na pinuno na ng mga kalyo sa putikan na syang dahilan upang makakain sila ng tatlong beses sa isang araw. Kung walang pasok ay kasama nya ang kanyang magulang sa pagbibilad ng kanyang inosente at payat na pangangatawan upang mag ani ng mga palay.

Sa kabila ng kanyang sitwasyon , bakas pa rin sa kanyang katauhan ang pagiging masayahin at palakaibigan.

"Sa kalagayan kong ito mas mabuti na ding makahanap ng mga kaibigan para panandaliang mawala sa isipan ko ang problemang kinakaharap ko", taas noong sambit ni Moy.

Ayon sa Deped isa ang pilipinas sa may pinakamaraming mahihirap na pamilya na kung saan ay madami din ang mga batang hindi nakakatuntong sa elementarya at nabibigyan ng tamang edukasyon.Sa kabilang banda may 60 porsyentong kabataan ang matiyagang pinagsasabay ang pag aaral at pag tatrabaho upang mapunan ang pangagailangan sa eskwelahan at ang sikmurang tila nag aalburoto.

Sa kasalukuyan ay maligaya nyang ipinapahayag ang kanyang mga natutunan sa mga batang ngayon ay kanya nang tinuturuan.Mga aral na pilit nyang ipinapaunawa sa kanyang estudyante na sa kadiliman ay mayroon din namang liwanag na magsisilbing tanglaw at magtuturo sa tamang daraanan.

Ilan lamang si Moy sa mga batang tunay ngang gagawin ang lahat para sa pangarap.Tunay ngang ipinapakita nya ang katatagan sa kabila ng kanyang nararanasan.

Pinatunayan din nyang sa kanluran ay maaari ding maging silangan .Sa pamamagitan ng kanyang pagkadapa ay naabot nya ang kanyang pangarap na matayog pa sa mas matayog.

8
$ 0.00
Avatar for Maemae
Written by
4 years ago

Comments

Good morning po. Very nice po. Anu man po ang payo sa inyo ng inyo lolo ay sundi nyo lamang po dahil sila ang nakakaalam ng kung anu amg mas makakabuti sa atin. Sa kung anu man po ang naumpishan mo pilitin nyo po na ito ay taposin. Marahil mahirap sa umpisa pero kapag nakasanay na ay padali na ito ng padali.. Nga po pala thank you sa pgshare po ng article nyo. Wag po kyo mapapagod gumawa ng npaka gandang article. Good luck po sa lahat at ingat po parati.

$ 0.00
4 years ago

Thank you so muuuch sa oras to read my article. I hope na inspire kayoooā¯¤

$ 0.00
4 years ago

Yep. Keep inspiring po other people. :)

$ 0.00
4 years ago

Magandang umaga,tulad Ng Sabi,libre Ang mangarap kaya mangarap lang Ng mangarap.Lahat Ng Tao sa mundo mapa iba man Ang lahi kulay lengguwahe kultura ay nangangarap din mabago Ang mga buhay,may nagsusumikap na makahanap Ng trabaho na may malaki Ang sweldo dahil Doon iniisip na nila na daan Yun para sabihin na ok o sapat na pero Hindi pa Doon nagsisimula Ang minimithi mo,mga pagsubok Ang daraanan mo bago mo makamit Ang iyong mga pangarap.Ang iba gumagawa Ng masama para sa mas madaling makamit Ang pangarap.Lumaban Ng patas,humarap sa pagsubok, subukang lutasin Ang problema para makamit Ang minimithi Ng Wala Kang inaapakang iba,Kung nadapa ka man Ng una bumangon sa pagkadapa itaas Ang iyong sarili para sa iyong mga pangarap.

$ 0.00
4 years ago

Very well said. I hope na inspire kayooo.

$ 0.00
4 years ago