Panaginip Eba ang kaniyang katawan, ngunit tila adan kung siya ay kumayod. Ganyang ganyan ko ilarawan ang aking ina. Nasa sinapupunan pa lang ako ni mama ng iwan kami ng sinasabi nyang ama ko. Lumaki akong sabik na makayakap sa aking tunay na ama. Habang lumalaki ako ramdam ko ang pagmamahal at pagsisikap ni mama para matugunan ang pangangailangan ko. Kung saan saan nya ako iniiwan para maglabada sya. Minsan nung nagkasakit sya wala akong magawa. Tanging yakap at halik lang…
Para sa babasa Isa ka ba sa may madilim na nakaraan? Isa ka din ba sa minsan ng nawalan ng pag-asa?. Lubog pa ang araw ngunit makikita na si Carlo,10, na sinisindihan ang munting lampara na kinaiingat ingatan nya. Sa lamparang ito sya humuhugot ng liwanag sa tuwing siya ay nag-aaral. Lumaking kapos palad si Carlo sapagkat hindi nakapag tapos ng pag-aaral ang kaniyang magulang at tanging sa mga basura sila umaasa upang may pagkakitaan at maisalba ang isang araw. Hikahos man…
Para sa Pangarap Ibat ibang mga pangarap, sari-saring istorya ang bumubuo sa pagkatao ng bawat isa.Mga nagnanais na mabigyan ng maganda at makulay na katapusan ang kahuli hulihang pahina ng buhay . Isang panaginip at milagro kung ito'y mangyayari, ganyan ilarawan ni Moy,18,ang mithiing halos isang dekada na nyang iniuukit .Ngunit dahil sa kahirapan na tila isa na nyang kakambal, ang pangarap na maging isang guro na dati ay kay linaw ngayon ay unti unti nang lumalabo pero sa…
Gawin mo sa ikakasaya mo "Nasasaktan ako,kaya sana sa totoo kong pangalan ako sisikat" Isa yan sa maramdaming saad ni Christian .Laking Mindoro man ngunit nakipagsapalaran sa Maynila upang mahanap ang edukasyong sa kanya ay nararapat. Isinakripisyo nya ang panandaliang pagkawalay sa Ina dahil tulad ng iba si Christian ay namuhay din sa putikan na pilit gumagawa ng paraan upang tuluyang matanggal ang putik na sa kanyang mga paa'y nakakapit. Sa kabila ng lahat sa edad na 16 si…
Hero ko si Titser Kung ang mga super hero ay may kakayahang maipagtanggol ang naapi,si titser nama'y tagapagturo ng mga estudyante.Ngunit tila isang mikrobyo ang stress na mabilis na kumakalat sa tinaguriang hero ng mag-aaral. "I enjoy teaching" Tatlong salita ngunit napakahalaga.Isa lamang iyan sa mga katagang binitawan ni Gng.Lana Ungson,47, guro sa Agham na kasalukuyang nagbibigay serbisyo sa paaralan ng New Era National High School. Sa halos 21 taon na pagtuturo sa…
Paalam Sa tuwing makikita ko ang sarili kong tulala.. Di ko mapigilang alalahanin ang mga araw Mga araw na kasama kita lola Tanda ko pa ang matatamis mong ngiti na sa akiy nagpapaligaya. Sa tuwing nakikita ko ang sarili ko na tulala. Ikaw agad ang naaalala ko lola Kasama kong binubuhay sa aking isip Ang mga alaala mong sa akin pinamana Hanggang ngayon aaminin kong di ko pa tanggap. Natandaan ko pa nun na palagi kang nagkukuwento.. Mga kwento mong ako lang ang napapaniwala mo.
Multo ng Kahapon Kasabay ng pagpagaspas ng pakpak ng mga ibon ang pagpatak ng luha sa aking dalawang mata. Ilang taon na ang lumipas ngunit tila kahapon lang, sariwa ang mga sugat na sa puso ko ay dumurog. Mahina ako, walang kakayahang bumangon mag-isa. Pero sa kabila ng kalumos lumos na pangyayaring iyon hindi ko pa din alam ang sagot sa katanungang bakit mo ako pinagpalit. Masaya tayo, ganoon naman lagi sa una. Sa pagtulog ko mukha mo ang nakikita ko. Minsan feeling ko…