Isa ka ba sa may madilim na nakaraan? Isa ka din ba sa minsan ng nawalan ng pag-asa?.
Lubog pa ang araw ngunit makikita na si Carlo,10, na sinisindihan ang munting lampara na kinaiingat ingatan nya. Sa lamparang ito sya humuhugot ng liwanag sa tuwing siya ay nag-aaral.
Lumaking kapos palad si Carlo sapagkat hindi nakapag tapos ng pag-aaral ang kaniyang magulang at tanging sa mga basura sila umaasa upang may pagkakitaan at maisalba ang isang araw.
Hikahos man ay hindi napigilang mangarap ng kaniyang mga magulang na makaapak ito sa eskwelahan. Dahil dyan ay sinisipagan at pinag iigihang mabuti ni Carlo ang pag-aaral.
Sa kabila ng lahat ng iyan ay hindi nakaligtas sa panunukso ng mga kaklase si Carlo. Lagi nilang kinukutya ang payat na pangangatawan nito at kulot na mga buhok.
Minsan ay umiiyak habang pauwi si Carlo dahil binuhusan ang kaniyang nag iisang blusa ng pintura ng isa sa kaniyang mga kaklase. Ngunit dahil sa turo ng kaniyang mga magulang na huwag siyang gaganti, ay hinahayaan na lamang nya ito.
Bata pa lang, pangarap na ni Carlo ang maging isang piloto. Dahil na din sa pananalig sa Diyos ay kasipagan ng kaniyang mga magulang, di naglaon ay natupad niya ang kaniyang mithiin sa buhay. Imposible man sa iba ngunit para sa kaniya ay walang imposible sa Diyos.
Ngayon ay isa na sya sa mga tinitingala ng kaniyang mga naging kaklase. Ngunit ni minsan ay hindi nya nakuhang maghiganti. Hindi rin sumagi sa kaniyang isipan ang magmayabang. Dahim naniniwala sya na kung hindi dahil sa mga taong nangutya at nangmaliit sa kaniya ay hindi sya magiging matatag na tao.
Kakambal ng tagumpay ang FAILURE. Hindi ka totoong natututo kung hindi ka nakaranas ng pagbagsak sa buhay. Aminin man naten sa hindi, malaki ang nagiging epekto ng pagsubok sa paghubog ng bawat isa. Ito ang nagsisilbing kasanayan upang ang bawat isa sa atin ay matutong mag pakatao.Dahil sabi nga nila Madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao.
Lahat ng pagsubok may kapalit n aginhawa,. Lahat ng pinag dadaanan ng tao ay may dahila,. Masaktan o bugmagsak ka man ang importante ikaw ay natoto. Lahat ng mataas ay nag uumpisa sa baba. Lahat ng pagsubok sa buhay ay nangyayari upang tayo ay mas maging matatag sa lahat ng bagay. Lahat ng pagsubok ay may kataposan. Lahat ng hirap na nararanasan ay giginhawa kapag pinaghirapan. :)