Panaginip

3 17
Avatar for Maemae
Written by
4 years ago

Eba ang kaniyang katawan, ngunit tila adan kung siya ay kumayod. Ganyang ganyan ko ilarawan ang aking ina.

Nasa sinapupunan pa lang ako ni mama ng iwan kami ng sinasabi nyang ama ko. Lumaki akong sabik na makayakap sa aking tunay na ama. Habang lumalaki ako ramdam ko ang pagmamahal at pagsisikap ni mama para matugunan ang pangangailangan ko.

Kung saan saan nya ako iniiwan para maglabada sya. Minsan nung nagkasakit sya wala akong magawa. Tanging yakap at halik lang ang maaari kong ibigay. Ngunit pinapalayo nya ako dahil ako daw ay mahawa.

Lumipas ang maraming taon, nagpasiya si mama na makipagsapalaran sa ibang bansa. Naiwan ako sa aking tita at doon naranasan ko ang masasabi kong hirap dahil malayo sa aking ina.

Di kalaunan tila nawala sa aking isip kung anong klaseng hirap ang pinagdadaanan ng aking ina sa ibang bansa. Natuto akong manigarilyo, magbulakbol, magsugal, uminom ng alak at ang pinakamasaklap ay ang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Minsan na din akong kinausap ni mama na itigil ko na ang ganitong gawain. Nagmakaawa sya saken na magbago na ako. Ngunit hindi ko ito sinunod.

Ngayon ay nandirito ako sa harap ng isang pahabang higaan. Dinig na dinig ko ang iyakan ng aking mga kamag anak sa aking likuran.

Sa harap ko ay may nakahimlay, ang aking ina, totoo nga "NASA HULI ANG PAGSISISI" habang binabalikan ko ang mga alaala na hanggang alaala lang talaga. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili.

Mali ako sa buhay na tinahak ko. Habang ako ay nagwawaldas ng pera sya naman ay walang awang sinasaktan at ginugutom ng kaniyang amo doon.

Sa pagpatak ng aking mga luha, tila ba isang pamilyar na yakap ang aking naramdaman. Nagising ako at ako'y nanaginip na naman. Isang dekada na ang nakaraan simula ng mangyari ang lahat ng iyon ngunit patuloy pa din itong pumapasok sa aking panaginip.

Sponsors of Maemae
empty
empty
empty

4
$ 0.00
Avatar for Maemae
Written by
4 years ago

Comments

Sadyang napakahirap ang responsabilidad bilang isang magulang dahil sa mga obligasyon sa pag papalaki ng kanyang anak at kung maari ay maibigay ang lahat ng kasaganahan sa buhay na ang mga anak minsan ay nkakalimutan ang mga sakripisyo ng kanilang magulang.

$ 0.00
4 years ago

Nakakalungkot isipin na ang ilan sa mga kapwa ko kabataan ay may ganoong klaseng pananawa sa buhay. Nalilimutan na yung sakripisyo ng sariling magulang.

$ 0.00
4 years ago

Makakaya mo ang lahat ng mga bagay bagay na iyan. Magtiwala ka lang 🙂

$ 0.00
4 years ago