read.cash
Login
Multo ng Kahapon
2
26
Written by
Maemae
Maemae
No bio yet...
4 years ago
In
community
:
Pinoy Love Stories
(df08)
Kasabay ng pagpagaspas ng pakpak ng mga ibon ang pagpatak ng luha sa aking dalawang mata. Ilang taon na ang lumipas ngunit tila kahapon lang, sariwa ang mga sugat na sa puso ko ay dumurog. Mahina ako, walang kakayahang bumangon mag-isa. Pero sa kabila ng kalumos lumos na pangyayaring iyon hindi ko pa din alam ang sagot sa katanungang bakit mo ako pinagpalit. Masaya tayo, ganoon naman lagi sa una. Sa pagtulog ko mukha mo ang nakikita ko. Minsan feeling ko praning na ako. Ikaw ang una ko at ipinagdarasal ko sa tuwing lulubog ang araw na ikaw na din ang huli. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Isang araw habang ako ay lumulutang sa pagmamahal at kasiyahan dahil kasama kita. Bigla akong bumagsak mula sa ulap. May nag chat sayo ng "mahal nasaan ka na?". Ipinagsawalang bahala ko iyon. Nilawakan ko ang aking pang-unawa. Hindi kita tinanong,sapagkat nabahag ang aking buntot. Lumipas pa ang ilang linggo at nagbago ka sinabi mong meron ka ng iba. Alam mo bang hindi na ako natakot at nangamba pa?. Dahil sa ilang linggo na iyon ay nagdasal ako at inihanda ko ang aking sarili sa maaaring laban na aking kakaharapin. Nagtagumpay ako, taon na ang nakaraan ngunit ang luha na bumubuhos sa aking mga mata ay hindi na dahil sa sakit na naramdaman ko kundi sa saya dahil sa ako ay nagtagumpay. Isa ka na lang ngayong multo na minsan ay nangangambala. Kumbaga multo ng kahapon.
4
$ 0.00
Written by
Maemae
Maemae
No bio yet...
4 years ago
In
community
:
Pinoy Love Stories
(df08)
Comments
Register to comment
Kla ko multo tlaga hahaha anyway its nice article.
$ 0.00
Rodz
4 years ago
HAHAHA BTW salamat po sa pagbabasa.
$ 0.00
Maemae
4 years ago
Kla ko multo tlaga hahaha anyway its nice article.