Hero ko si Titser

2 26
Avatar for Maemae
Written by
4 years ago

Kung ang mga super hero ay may kakayahang maipagtanggol ang naapi,si titser nama'y tagapagturo ng mga estudyante.Ngunit tila isang mikrobyo ang stress na mabilis na kumakalat sa tinaguriang hero ng mag-aaral.

"I enjoy teaching"

Tatlong salita ngunit napakahalaga.Isa lamang iyan sa mga katagang binitawan ni Gng.Lana Ungson,47, guro sa Agham na kasalukuyang nagbibigay serbisyo sa paaralan ng New Era National High School.

Sa halos 21 taon na pagtuturo sa paaralan , hindi maiiwasan na makaharap ang hirap na nagbabadya sa lahat ng guro.Habang lumilipas ang panahon ay nakikipagsabayan din ang mga paper works na talaga namang nakakadagdag sa gawain bilang isang pangalawang magulang.

"Okay lang na may ipagawa pero huwag lang sabay-sabay at paulit-ulit", ang mahinahong saad ni Gng. Ungson.

Dahil sa kaliwa't kanang mga gawain tila hindi na niya nagagampanan ang totoong trabahong pinasok na kung saan ay magturo.Kapos man sa oras ay pilit na inihahakbang ni Gng. Ungson ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naghihintay ang mga estudyanteng gutom sa kaalaman.

Stress man dahil sa biglaang deadline,ay hindi humantong sa pagka depressed ang guro sapagkat ang pagtuturo ay ginusto nya at walang pumilit dito.

Kabaligtaran naman sa ibang guro na nawalan na ng pag asa at mas pinili na lang tapusin ang buhay upang tuluyang makapag pahinga.

Lubos na nakakalungkot na unti unting tinatablan ng stress ang ilan sa kanila.Ang mas malala ay humantong ito sa o

pagka depressed.Animo'y sabik na sabik nang maramdaman ang presensya ng tagapag likha kung kaya pagpapakamatay ang piniling rason sa paglisan sa daigdig.

Hindi lang isang guro ang katauhan ni Gng. Ungson kundi isa din syang ina at butihing asawa.Kung kaya tila isang ginto ang kanyang oras na dapat ay walang masayang at magugol ito sa mahahalangang bagay lalo na sa pagtapos ng mga paper works na sa kanya ay nakaatang.

Dagdagan pa ng mga estudyanteng tila nawalan na ng respeto sa kanila at mistulang isang normal na nilalang na lang sila.

"Para bang nawawalan na ng pader sa pagitan ng teacher at guro" ang maramdaming sambit ni Gng. Ungson habang bakas ang pagkadismaya sa ugali ng mga mag aaral.

Isa si Gng.Ungson sa mga gurong nagnanais ng tamang pagtrato hindi lamang mula sa estudyante kundi makuha din nila ang respeto bilang guro.Pinatunayan din nyang hindi hadlang ang stress na maaaring humantong sa pagka depressed sa pangarap na magkalat ng kaaalamang agham sa mga kabataan.

7
$ 0.00
Avatar for Maemae
Written by
4 years ago

Comments

Share ko lang po. Dati may titser ako sa high school. Dku po alam kung anu nagawa ko sa kanya at galit na galit sya sa akin. Naisip ko kasi parang type nya yung friend ko na super close ko. Grabe yung ginawa nya sakin nun, nakakahiya talaga. Halatang oinag iinitan nya nalang ako. Pero ganun paman aminin man ntin sa hindi kung wlang guro hindi tayo matototo kaya laking reapeto po sa lahat ng guro. Kahanga hanga ang kanilang kakalmahan sa lahat ng kalokohan ng mga mag aaral. Hands up ako lagi sa mga guro.

$ 0.00
4 years ago

Baka kase nagseselos HAHAHA salute ako sayo. Still, you have respect.

$ 0.00
4 years ago