"Nasasaktan ako,kaya sana sa totoo kong pangalan ako sisikat"
Isa yan sa maramdaming saad ni Christian .Laking Mindoro man ngunit nakipagsapalaran sa Maynila upang mahanap ang edukasyong sa kanya ay nararapat. Isinakripisyo nya ang panandaliang pagkawalay sa Ina dahil tulad ng iba si Christian ay namuhay din sa putikan na pilit gumagawa ng paraan upang tuluyang matanggal ang putik na sa kanyang mga paa'y nakakapit.
Sa kabila ng lahat sa edad na 16 si Christian Catalonia ay nasa ikawalong baitang pa lamang. Sa paaralan ng New Era National High School nya napiling buuhin ang pangarap nyang maging isang Accountant Manager.Dito rin sa paaralang ito nabuo ang bansag sa kanyang "Dinasaur" nang kanyang mga kaklase at di kalaunan ay tila isang virus na mabilis kumalat sa buong eskwelahan.
"Ayaw ko nang tinatawag ako nang ganun dahil feeling ko binubully nila ko, pero ayoko naman silang labanan baka kase mapaalis ako dito sa New era tapos mapa Guidance pa" ,mahinhing saad nya.
Para kay Christian ang bansag na ito ay hindi pabor sa kanya ngunit sa nakararami ito'y katuwaan.Lingid sa kanyang kaalaman napapasaya nya ang mga kapuwa estudyante sa pamamagitan nito.Lalo pa itong nadagdagan nang idaos ng NENHS ang Intrams at isa sya sa nagpasaya sa okasyong ito. Sa pagsayaw sa pamamagitan ng kembot at pag ikot kasabay ng ritmo ng kanta,palakpakan at hiyawan ang kanyang nakakamit.
Sa katunayan isa si Micaela Benigno sa mga taong napasaya ni Christian at tunay ngang napahanga nya sa taglay nyang kabibohan.Nang dahil dyan mas lalong uminit ang pangalang sa kanya ay binansag.Walang araw na hindi ito nababanggit o naibubulalas nang bawat estudyante.Sa bawat pagbigkas ng Dinasaur may kaakibat na sakit ang nararamdaman ni Christian dahil gusto nyang sa totoong pangalan sumikat at para sa kanya ay nabibilang sya sa biktima ng bullying.
Ayon sa Department of Education halos 21% ng mga estudyante ang na bubully partikular na ang uri ng bullying na Name calling sa paraang ito tumataas din ang porsyento ng mga nagsusuicide at nag rerebelde sa kanilang magulang.
Ngunit dahil sa pangarap hindi ito ginawang hadlang ni Christian upang tuluyang mawalan ng pag-asa bagkus ay pinipilit nyang tanggapin na lang ang bansag sa ikasasaya ng nakararami.Maitututing sya na isang 'happy pill' ng New era sapagkat hindi makukumpleto ang araw nang hindi sya nasisilayan ng mga Eranians.