90's Kid

0 16
Avatar for Maedan8
2 years ago

Batang 90's ka ba ??

Siguradong sa kwento Kong ito ay makakarelate ka.Ito ay base sa totoong pangyayari ng aking kabataan at ng aking mga karanasan.Kaya,kaway-kaway sa mga batang 90's dyan..sayang lang di ko malagyan ng throwback picture,nasira na Kasi lahat ng bagyo.

Ang kwentong ito ay nagsimula sa Surigao del Sur,anim na taong gulang ako at panganay sa limang magkakapatid.Pero sa panahong ito,dalawa pa lang Ang Kapatid ko na naisilang.Bilang panganay,ako ay maagang namulat sa realidad ng Buhay,simple at payak na pamumuhay.Sa murang edad ay tinuruan na ako ng gawaing-bahay, especially ay Ang pagbabantay ng mga nakakabatang Kapatid.Masaya Naman Ang kabataan ko,may mga kaibigan at kalaro..typical childhood days ika nga.Ang kaibahan ko lang sa kanila ay Meron akong napaka-istriktong ama.At sa mga panahong ito,Ang estilo ng pagdidisplina ay talagang makaluma pa.Maliit na pagkakamali ay may katumbas agad na parusa.Andun palagi Yung feeling na takot Kang magkamali pero di mo Naman Yun maiiwasan Kasi Ikaw ay Bata at normal lang na magkamali dahil Hindi mo pa Naman alam lahat ng bagay.Naalala ko pa na may laging nakahandang pamalo si papa ko kagaya na lamang ng sanga ng bayabas,patpat,o kaya'y sinturon niya.Sino man sa Inyo Ang nakaranas nito,ay siguradong masasabi niyong Ang mga ito ay napakasakit kapag dumapo sa ating murang balat.At nag-iiwan pa ito ng Marka o latay sa katawan at kung Minsan ay nakakasugat pa.Hindi kagaya Ngayon,karamihan sa mga magulang ay takot na o kaya'y di na gumagawa ng ganitong pagdidisplina sapagkat ito ay bawal na't may pananagutan na sa batas.At isa ako dun sa mga magulang na yon..YES, I am a single parent now,at di ko Yun ginagawa sa mga anak ko.Nung Kasi nagkakaedad na ako sinabi ko sa sarili ko na di ko gagawin sa mga anak ko kung anuman Ang naranasan ko sa ama ko.Ang tatay ko ay parang nadedemonyo sa tuwing nagbibigay ng parusa sa aming magkakapatid.Kinokontra Naman siya ng nanay Namin noon pero Wala ding magawa si mama Kasi pati siya ay sinasaktan din.Kaya isa din sa pinangako ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ako magiging isa sa mga makakaranas ng domestic violence through their partners.Sa awa Naman ng Diyos,kahit single parent ako di ko Yun naranasan sa ex-partner ko.

Halos lahat na yata ng pamalo naranasan naming magkakapatid at Ang Malala pa nito ay umabot ito Hanggang kami ay nasa high school na,eh alam Naman natin sa ganitong mga edad ay andoon na Ang tuksuhan,kantiyawan.Palagi sinasabi ng tatay ko na hangga't nasa poder niya pa kami ay pwede niya pang Gawin Yun.Hanggang Ngayon ay presko pa sa ala-ala ko at isa ito sa di ko malilimutang karanasan,ako ay nilunod ng tatay ko sa dagat.Anim na taong gulang lang ako nito.Imagine the fear that I was feeling back then..ito Ang parusa niya sa akin ng dahil lang sa kagustuhan Kong makuha Ang laruan na lumulutang sa dagat.Nung kabataan ko Kasi di Naman ako nabibilhan ng mga laruan,sa tuwing magpapabili ako Ang sagot lang nila ay walang budget para sa laruan.Sakto Naman Nung Araw na Yun eh may Nakita akong laruan na nakalutang Kaya pilit ko itong inaabot palapit sa akin.Ang Bahay Kasi Namin dati ay nakatayo sa may dagat Kaya tuwing high tide nag-aabang ako sa aming improvised na tulay ng mga Bagay na pwedeng paglaruan.Sinita ako ng tatay ko pero sa kagustuhan Kong makuha Ang Nakita Kong laruan ay di ko siya pinakinggan.At doon ay nagalit siya at binuhat ako at nilublub ng paulit-ulit sa tubig-dagat.Pilit Kong hinahabol Ang aking paghinga at tinatawag ko si mama para awatin siya.Buti nalang may kapitbahay na nakakita at dali-daling tinawag Ang nanay ko.Pagkatapos ng pangyayari g Yun ay naospital ako,paulit-ulit akong nilalagnat ng napakataas.Dumating Ang mga tiyahin ko sa mother side,at tiyuhin,nag-away Sila ng tatay ko.Binantaan nila Ang tatay ko na kung sakaling may masamang mangyari sa akin,di na siya makakauwi ng Buhay sa Lugar niya.Ang tatay ko Kasi ay taga-Leyte while my mom is from Surigao del Sur.Siguro kung di kami lumipat sa Leyte baka Yung ganoong di makatarungan na pagdidisplina ay di na mauulit.Pero dumating Ang time na lumipat kami sa Leyte at dun ay malayo na ako sa aking mga tagapagtanngol.Dun na nga mas lalo pang lumala,habang ako ay nagkakaedad naranasan ko na Ang ibat-ibang klase ng parusa sa tuwing nagkakamali.Actually,kahit nga di naman intentionally ay considered Mali mo pa din.At bawal pa Ang mangatwiran,sa tuwing susubukan ko ay pinapalo ako o kaya'y pinipitik Ang bunganga ko.Dumating na sa Point na Ang mga kapitbahay Namin ay tumutulong bilang look-out.Syempre Nung panahon na Yun ay paglalaro sa kalsada lang Ang libangan Namin,Wala pa Naman mga gadgets at internet.Ang kapitbahay Namin ay nagsisilbing look-out at sinasabihan ako at mga Kapatid ko na umuwi na agad sa Bahay kapag Nakita na niya Ang tatay Namin.Pati simpleng kaligayahan Namin noon ay pinagkakait pa sa Amin,mas gusto niya lagi lang kami sa Bahay manatili at gumawa ng mga gawaing-bahay.Kapag Bata ka Naman di mo Naman Yun maeenjoy di ba? Syempre mas gusto mong makipaglaro sa mga kaibigan mo.Andun pa Yung hahabulin kami ng itak pag nalalasing,nakailang layas na nga kami ng nanay ko pero nauuwi lang din sa balikan.Kaming mga anak Ang labis na naaapektuhan kapag nag-aaway Ang mga magulang Namin lalo na't nakikita Namin na pinagbubuhatan ng kamay si mama.

Papalapit na Ang fiesta sa aming bayan noon,mayroon kaming dance presentation na nakatakda Kaya napagkasunduan na magkikita-kita sa court para magpraktis,high school na ako nito.Sa mama ko lang ako nagpaalam Kasi alam ko Naman na di ako papayagan ni papa.Pinalabas ni mama na inutusan niya ako pero eventually nabuko din,Ayun sinundo ako sa may court na may dalang pamalo at pinalo lang Naman ako sa harap ng mga kaklase ko.Nakakahiya di ba ??Mas nangingibabaw Ang hiya ko kaysa sa indahin Ang sakit ng Palo,sanay na Naman Ang katawan ko.Kinabukasan,ayaw ko na pumasok sa school,alam Kong ako na Naman Ang Bida sa kanilang kantiyawan.Pero pumasok pa din ako,kinumbinsi ko na Lang Ang sarili ko na Wala namang mababago kapag di ako pumasok,bagkus ay baka magdulot pa ito ng kasiraan para sa aking hinaharap.Inisip ko na Lang na kailangang makagtapos ako para makaalis na ako sa poder ng mga magulang ko at maipakita ko sa kanila na Kaya Kong tumayo sa sarili Kong paa.Madami pang pangyayari na ganito Ang dumaan at kinaya Kong lagpasan Hanggang magtapos ako.Ngunit sa hirap ng Buhay noon,di na ako nabigyan ng chance na makapagkolehiyo Kaya nangibang-bayan ako at nagtrabaho na Lang.Bilang panganay sa limang magkakapatid,most of my sahod ay binibigay ko sa kanila para sa mga nakakabata Kong Kapatid.Sa awa Naman ng Diyos,nakapagtapos Silang apat.Mga scholar student Sila,at ako nalang Ang sumasagot sa mga extra needs nila.Ngayon may kanya-kanya na kaming karera sa Buhay,masasabi Kong malayo na sa dati pero nanatili pa Rin Naman kaming simple at masaya sa kung anuman Ang Meron lang.And lastly,despite all the hardship,and,toughness ng tatay Namin sa Amin,ay nirerespeto pa Rin Namin siya bilang tatay.Siguro kung sa iba Yun,kamumuhian siya't itatakwil since umasenso Ang Isang anak.Pero di Namin ginawa,Sabi nga nila di ka Naman maisisilang sa Mundo kung Wala Kang ama.Pero ramdam niya at inamin Naman niya na mas pabor kaming lahat sa aming ina kaysa sa kanya.But on the other hand, I think may nadulot Namang maganda sa Amin Ang ganoong pagdidisplina ni papa.We grew up as good,polite,humble and well-disciplined.Hindi kagaya sa mga kabataan Ngayon,di ko Naman nilalahat ha,pero karamihan ay Wala ng respeto sa mga nakakatanda o mga magulang nila.Sana lang di magiging ganun Ang aking mga prinsesa pagdating ng Araw.

Hanggang Dito na Lang po,salamat sa iyong Oras na ginugol mo sa pagbasa ng aking kwentong ito..nawa'y nainspire po kita kahit papaano.

Magandang Umaga po sa inyong lahat! Ingat po.

.

1
$ 0.00
Avatar for Maedan8
2 years ago

Comments