Masaya na akong wala ka

7 18
Avatar for Lyyyz
Written by
2 years ago

Sino na sainyo ang nagmahal? Siguro lahat naman tayo nagmahal na. Alam natin na pag nagmahal tayo binibigay natin lahat. Yung kahit wala na matira sa sarili natin basta para sa taong mahal natin okay lang. Pero di habang buhay ganon kasi natututo tayo sa mga bagay. Pag niloko ka matututunan mo na wag na agad agad magtiwala. Pag naman sinaktan ka matututunan mong ingatan sarili mo yung mawawalan ka na ng pake sa ibang tao. Wala ka ng pake kahit sila masaktan mo basta di lang ikaw yung masaktan. Konti pa lang yan sa mga aral na makukuha natin pag nagmahal tayo.

Pero kung ako tatanungin nyo kung ano natutunan ko. Yun yung kahit mangako sayo yung tao na di ka nya iiwan at sasaktan pero ginawa nya it will lead you to become a different version of yourself.At maggrow ka kasi sa mga napagdaanan mo mas magiging matured ka magisip at iisipin mo na muna yung sarili mo kesa sa iba oo ang selfish non pero yung iba kapag nasaktan ganon na mindset eh pero di naman ibig sabihin non na mananakit na ng iba ibig sabihin lang mas uunahin mo na yung sarili mo. At walang masama don na gustuhin mong itreat ka sa way na deserve mo. We all deserve the best. Di natin deserve yung lolokohin tayo at sasaktan lalo na pure yung intentions natin don sa tao.

Sa totoo lang masaya magmahal yung tipong everyday inspired ka. Gigising ka na masaya ka kasi may goodmorning sayong chat or text. Yung tipong may taong concern sayo nagaalala sayo at yung best feeling ay yung may taong umiintindi sayo kahiy ikaw mismo di mo maintindihan sarili mo. Ang sarap kaya magmahal lalo na kung yung taong mahal mo mahal ka din. Pero laging may pero na kasunod tandaan nyo yan. Pero kung masarap magmahal sobrang sakit naman ang maiwan. Sa buhay naman talaga walang permanenteng tao lahat aalis pero ang swerte mo kung yung nahanap mo nananatili lang at walang balak umalis. Masakit maiwan pero mas masakit yung habang kayo pa nagmmove on na sya. At within 3 days meron na agad bago hahahaha. Pwede pa sana ayusin eh kaya lang wala tayong magagawa kung sya mismo ayaw na. Meron pa lang taong ganon na gustong kumawala yung gusto nyang itry yung mga bagay na makakasama sakanya. Pero ganon talaga isipin na lang natin na di sila yung para sa atin. Yung akala mong hanggang dulo kayo pero nun pala iba na yung gusto nyang kasama.

Pero lahat naman na yon may ending. Swerte na lang kung happy ending. Kaya lang yung sakin di happy ending. Kasi naghanap ng iba eh hahahaha sakit noh? Pero ganon talaga kelangan tanggapin. Kelangang sanayin yung sarili na wala ng goodmorning at goodnight. Yung magtatanong kung kumain ka na ba, ingat ka mamaya sa lakad mo ah. Yung mga tipong ganon ba. Tas yung mga dating love song na para sakanya ngayon oag narinig mo yon sakit yung mararamdaman mo. At yung dating sabi mo sa sarili mo na takot akong mawala ka ngayon ang masasabi mo na lang buti na lang nawala ka kasi mas sasaya pa pala ako kahit di na ikaw yung kasama ko.

"Lahat naghheal di nga lang mabili pero kapag naman nagheal ka na don mo mararamdaman yung happiness na kahit kelan di mo pa nararanasan. Worth it yon kaya di dapat magmadali. Wag tayong magmadali magmove on it takes time for us to heal and for us to find ourselves. But always remember that before entering in a relationship you must love yourself first. Para di ka na mawala ulit sa sarili mo." -lyyyz

2
$ 0.02
$ 0.02 from @dziefem
Avatar for Lyyyz
Written by
2 years ago

Comments

Ibig sabihin lang non, di ka para sa kanya. Hindi siya worth it. Sinayang ka niya ganern. May mas better na darating kaya yon nangyare.

$ 0.00
2 years ago

Hoy pano nahanap yan buset HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Secret walang clue. HAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Buset HAHAHA secret lang din yanπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Sure sure hindi ko idadaldal yan sa iba hahaha. Para lang sa mga may account sa readcash yan πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago

Ikaw lang makakakita ng kadramahan ko sa buhay hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha safe yan sakin. Don't worry. πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago