Katotohanan sa mundong ginagalawan

7 46
Avatar for Lynzky28
3 years ago
Topics: Mapanghusga
Sponsors of Lynzky28
empty
empty
empty

Sa ating buhay Hindi mawawala ang mga negatibong Tao sa buhay natin kahit pa gaano pa kaayus at kaganda Ng ating mga pakikitungo sa kanila.

Minsan masasabi ko talagang magising na tayo sa realidad ng ating mundong kinagagalawan. Dahil dito sa ating mundo,ang mga Mata ay mapanghusga.

Mga matang Puro Mali nalang nakikita.Minsan naman ang iba Kung makapanglait ng ibang Tao ay kala mo perpekto na sila.

Hindi porket maganda siya o mayaman siya ay Hindi na siya nabibilang sa mga matang mapanghusga dahil kahit singkit ka,malaki o maliit ang mata. Malabo man o duling ka ay may kakayahan ka paring manghusga sa kapwa mo tao maliban nalang kung bulag ka.

Sa totoo lang diko gets ang iba na ang hilig maghanap ng mali sa iba pero mga sarili nilang kamalian ay Hindi nakikita or napupuna. Minsan matatawa nalang ako sa mga taong maraming nakikitang hindi maganda sa isang tao o dahil na Puno na sila ng inggit sa katawan nila?

Sabi nga nila sa akin "Hayaan ko nalang silang husgahan ako,dahil madalas daw kung sino pa yung mapanghusga sa atin ay sila pa yung may tinatagong inggit sa atin.

Sabi ko sa sarili ko minsan,

"Pangit ba Ako"?

Dahil minsan sa buhay ko hindi ko maiwasang isiping pinag uusapan ako o baka hinuhusgahan ako pero hindi rin natin maikakaila sa mundong ito.

"Bago mapansin Ng tao ang magandang kalooban ay kadalasan ang panlabas na anyo muna ang tinitingnan nila"

✓ TENGA

Alam natin ang Tenga ay ginagamit sa pakikinig ngunit ang Tenga natin ay may kaakibat na kamandag dahil sa isa ito sa mga ginagamit upang ikaw ay makasagap ng ibat ibang balita ng panghuhusga sa kapwa. Buong akala natin yung mga kaibigang tapat at mapagkatiwalaan na handang makinig anung ora's ay lubos na tapat sa atin.Ngunit nagkakamali tayo dahil sa ating mundong mapanghusga,ang pakikinig minsan sa ibang kwento ay isa sa mga paraan upang ang tao ay makapanghusga sa kanilang kapwa.

Upang maiwasan nating ang mahusgahan.Piliin natin ang taong mapagkatiwalaan ng lubos lalo na sa mga storyang bibitawan mo sa kapwa mo . Dahil Baka iyang storya mo ang maging dahilan para ikaw ay mahusgahan at Hindi maintindihan ang mga pinagdadaanan.

✓ Makakating Dila

Sa tulad nating mga pilipino,ang makakating dila ay famous sa lahat.

Sabi nga ng mga makadios na mga matatanda

"Gamitin sa ikabubuti ang kapangyarihan Ng dila"

Ngunit bakit may mga taong akala mo kaibigan mo o tapat sayo ay handang gawin ang lahat makausap ka Lang at dahan dahang nag iipon Ng mga kwento upang may ma kwento sa iba.

Mas gusto ko pa ang taong masakit magsalita kysa diosa naman sa pagtatago Ng kati Ng kanyang dila.

Minsan pa nga may mga taong galing nga sa simbahan pero pag dating sa ka kwentohan ay angel Kung Harapan ngunit Kapag ang kausap ay umalis na .....ugali Ng Tao ay nagbabago,makakating dila ay pinaparamdam na sa ibang Tao.

Tayo ay mag ingat sa ating pag gamit Ng ating mga salita dahil may mga taong matitinik ang mga dila.

✓ Relate much ako dito sa mga mapanghusgang tao.Dahil highschool palang ako ay isa na ako sa mga hinuhusgahan kesyo maliit ako,kesyo dahil sa apelyedo ko,kesyo dahil hindi ako kasing talino nila dahil ganun lang kaya ko.Marami pang masasakit akung natatanggap na salita.

  • Ngunit hindi ako nag pa apekto sa kani kanilang panghuhusga sa akin at hindi ko iyon pinapansin dahil hindi sila importante sa akin. Pero I admit naman na masakit talaga subra dahil instead na sila Yung magpapalakas Ng loob ay sila pa yung nanghihila pababa. Pero Hindi ko yun iniisep dahil tanggap ko Kung anung merun Lang ako at Kung Anu Lang kakayahan ko dahil Yun ang pinagkaloob lang sa akin Ng panginoon...

  • Ngayun Ramdam ko na minsan hinuhusgahan Kami dahil sa mga nararanasan namin ngayun pero Hindi Kami magpapatinag sa mga Taong mapanghusga.

Hindi talaga natin maiwasan na may mga tao na pilit tayong sisiraan sa mga kapwa natin. Mahilig manglaiy at pag chismisan.

"Tsismis dito,Tsismis Doon,Tsismis kahit saan"

Hayaan nalang natin silang mga chismosang mapanghusga. Dahil Hindi buong kwento ng buhay natin alam nila.

Ang mga taong chismosang mapanghusga ay walang magawa sa kanilang buhay at Baka Puno pa sila ng inggit sa kanikanilang katawan.

Gamitin natin ang ating mata para makakita at hindi para bantayan ang kanilang mga ginagawa.

Gamitin natin ang ating Tenga sa pakikinig Ng storya Hindi Yung ginagamit mo para makasagap Ka Ng kwento para sa iba.

Gamitin natin ang bibig sa pagsasalita at Hindi yung ginagamit mo sa parang paninira Ng iba.

Maraming Salamat sa inyong pagtiyagang pagbabasa.

Sun,03 October 2021

Lynzky28

Proud momshie

*THANK YOU*

7
$ 0.07
$ 0.03 from @GarrethGrey07
$ 0.02 from @Zcharina22
$ 0.02 from @Salie23
Sponsors of Lynzky28
empty
empty
empty
Avatar for Lynzky28
3 years ago
Topics: Mapanghusga

Comments

Negative people were created to be the opposite of positive, to give colors in our life, because if they were deleted life would be boring. We just have to dance with the music but with reservation.

$ 0.00
3 years ago

Laban lang tayo sis. Dami nga mga plastic dito kaya ingat2 tayo sa mga taong nakakasalamuha natin :)

$ 0.00
3 years ago

Mas ok Naren ang mga virtual friends sissy kysa sa mga in person nating nakakausap Kasi more on SA kanila plastic...

$ 0.00
3 years ago

Naku totoo sis.. madaming plastic sa mundo pati mga tsismosa..naku naku..nakakagigil..🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Nagkakalat lahat Ng plastic sis ..SUMASABAY pa nuh

$ 0.00
3 years ago

Kaya lagi po tayong mag ingat kase hindi natin alam kung sino yung taong mabait o hindi..

$ 0.00
3 years ago

Tama Ka sis kahit pa Yung inaakala nating mapagkatiwalaan ay Hindi Pala totoo kundi pakitang Tao lamang ang iba

$ 0.00
3 years ago