November 2,2020
Hi sa inyong lahat , share ko lang sa inyo ang karanasan ko na mga nakakatakot . Undas ngayon so araw ngayon sa mga patay mga yumaong mahal natin sa buhay, tuwing undas tayo ay pumupunta sa puntod mag sindi ng kandila para sa mga mahal natin sa buhay na yumaong na, at mag handa ng pag kain, ang kadalasan nating hinahanda ay biko ,suman at iba pa may alak pa ilagay sa altar at nag dadasal , yan na nakagisnan nating tradition. Ngayon hindi kami naka punta sa puntod ng lola ko kasi ang lakas ng ulan dito, pero kahit hindi naman undas ay dinadalaw namin ang puntod ng lola ko kasi malapit lang sementeryo dito sa aming lugar,. Kayo nakadalaw ba kayo sa puntod ng mga yumaong mga mahal niyo sa buhay? Nag handa rin ba kayo? Hindi lang dapat sa tuwing undas lang bibisitahin ang mga mahal sa buhay, dapat kahit hindi undas bumibisita parin.
Ito na sisimulan ko na ang kwento ko sa inyo, diko alam kung may third eye ba ko or wala basta , kasi minsan pag ako lang mag isa may nakikita akong anino may naririnig na umiiyak na bata at may maririnig na nag lalakad at may nag huhugas ng pinggan namin minsan may naamoy akong pabango kahit walang tao haayysss , dito kasi sa bahay namin ngayon ay may naka tira daw na hindi namin makikita, pero mabait naman kapag hindi gigambala, lageh ako nakakarinig dito nay may umiiyak talaga na bata ,. Minsan kahit may mga kasama ako nakakarinig parin ako, tinatanong ko mga kasama ko kung may narinig ba sila pero sabi nila wala silang naririnig hayys ano ba to ang sabi ko sa sarili ko ahh baka guni guni ko lang yon, sinasabi ko nalang yon para hindi ako matakot at sila rin hindi matakot,.
Nong bata pa ako, mag naririnig na talaga ako ng kung ano-ano pero di ko lang pinansin kasi ayaw kong pansinin haha matatakotin kasi ako eh kaya ito na pinaparamdaman, . Nag story telling kami ng kabarkada ko noon dati sa school,. Nag story sila ng mga nararanasan nila ng mga nakakita sila na maputi lahat, tumakbo kaming lahat sa takot haha ang saya mag story ng nakakatakot kapag may barkada na matatakotin hehe katulad ko matatakotin pag nag story na sila ayy talagang naka kapit ako sa kanilang mga braso at tumatayo talaga balahibo ko kapag ng kwento ng kakatakutan,. Kaya ayaw ko mag kwento eh pero ngayon okay lang kasi andito naman nanay ko kasam ko. Okay ito na tuloy kuna.
Dito talaga sa lugar namin maraming mga d nakikita kasi may malaking puno dito malapit sa may ilog, at may pumunta dito na nang gagamot ang sabi niya marami daw nakatira dito at sa isa isang bahay dito ay may nakatira. Pero sabi naman ng nang gagamot na mababait daw Kapag hindi ina ano. Kaya nga dito sa bahay namin may naririnig akong, nag lalakad may tsenilas pa pero diko pinapansin , at may nag huhugas ng pinggan hindi ko rin pinapansin pinabayaan ko nalang para hindi ako matakot, may pinsan din akong may third eye sabi niya nakakakita siya ng naka puti lahat don sa bahay nila malapit lang kasi bahay namin sa bahay nila, kinwento niya lahat sa amin pati ng mama niya, ang mama niya rin ayy nakakita ng malaking kamay at mabalbon don sa hinihigaan nila Pero hindi natakot mama niya kasi alam niya na hindi yon mananakit ,.
Walang nakakatakot sa lahat, kasi anjan si god ,sa diyos ka Dapat matakot kapag may kasalanan kang nagawa,. Tiwala ako sa panginoon kasi siya may mas kapangyarihan sa lahat, kaya hindi na ako natatakot ngayon kasi alam ko anjan si gog nag guide sa akin sa lahat Always,.
Hanggang dito lang everyone hehe yan lang kasi inaantok na ako eh, good night everyone . Wag kayong matakot at manalig sa diyos,. 😇🙏