My kinsenas of December

4 19
Avatar for Lyn2x
Written by
2 years ago

Di ko alam kung paano ako mag aartikulo kasi nawawalan na talaga ako ng gana. Dahil sa matumal na nga si rusty at noise sakin.

Sponsors of Lyn2x
empty
empty
empty

Pero since wala akong maisip at wala narin akong pera kahit piso. So libangan ko nalang tong magsulat ngayon ng artikulo, dahil from December 1 until this day talagang iba yung pangyayaring nangyayari sa mundo ngayon. Parang iba talaga disyembre na pero ang nangyayari ay kakatakot at kagimbal gimbal.

Pagpasok palang ng December wala na akong kita o pera. Halos mga ibang accounts ko nagsibanned ng di ko alam kung bakit. Wala naman akong ginawang labag sa mga rules at hindi rin naka vpn. Pero ewan nagsilaho ang lahat, tas sinundan pa na ang celpon ko nasira, nafactory reset sya. Dahil di ko talaga mabuksan kahit anong gawin ko kaya no choice kundi factory reset. Kaya itong celpon ko nawala lahat ng pinaghirapan ko. At ang susunod ay ang pangyayari sa social media na kung saan trending ang magkapatid na maguad death.

Ayaw kopo magpost ng larawan tungkol sa maguad siblings kayo napo ang magresearch sa nangyayari sa kanila at tiyak akong di ka makapaniwala.

Isasalaysay ko nalang ang ibang detalye ukol dyan dahil baka tamarin kag magresearch. Orayt simulan na natin, interesting to dahil katulad ito sa pelikulang orphan na naging in reality.

Ang maguad siblings ay mga christiano at ang mga Magulang nila ay puro mga guro at principal. Isang araw nawindang ang kanilang magulang dahil sa isang post at balita sa kanilang anak na di nila inaasahan. Akala talaga nila naransak o nilooban ang bahay nila. Pero ang nakita nila patay na katawan ng kanilang anak na babae at lalaki. May isa kasi silang working student na ang. Pangalan ay janice pero tinago nila sa pangalang Christine dahil menor de edad pa ito. Nagpost pa itong si janice ng saklolo with emoji pa at naligo pa. Halos lahat ng ebidensyang nakita ay si janice ang hinala. Kasi pati baseball bat fingerprint nya ang nakita. So yes tama ka, sya nga ang suspect. Di mo aaakalain na sa mura nyang edad kaya niyang gawin yun na patayin ang 16 at 18 years old na maguad siblings. Itinuring sya bilang isang pamilya, kapatid at anak ng mga maguad family. Pero napasukan ng demonyo ang batang to. Paiksihin ko nalang dahil mataas pa itong artikulo ko.

Si janice ay may mental disorder pala pero kung titingnan mo sya ay napaka anghel ng mukha na akala mo di kayang gawin yun. Sabi kasi ng magulang ng mga biktima ay si janice naaktuhan nila itong ninakaw ang kanilang pera na 10k.at ang mga ginamit sa pagpatay ay tanging sya at ang biktimang babae lang ang nakakaalam sa mga bagay na yun. Tulad ng baseball bat at martilyo. Pero ngayon ay naresolba ang kaso dahil nagsalita na ang MGA SUSPECTS, yes suspects dahil di lang pala sya kundi silang dalawa ng boyfriend ni janice ang pumatay sa magkakapatid. Ang punterya pala nila ay si gwyn(babaeng biktima) nadamay lamang pala ang isa biktimang lalaki dahil nag init ang ulo ni janice. Kaya naman kulong talaga sila at ngayoy pinoproseso na ang dapat sa mga suspetsado dahil menor de edad pa si janice. Ang pagkapatay sa magkakkapatid ay kagimbal gimbal talaga dahil wasak ang pisngi ni gwyn at may tabas pa ng nga kutsilyo ang kanilang leeg at mukha. Kaya di talaga natin masabi kung bakit nya nagawa yun sa mura nyang edad.

Ngayon dito naman tayo sa susunod kong nais ibahagi sa inyo na im sure aware at alam nyo na. Kung ang iniisip mo ay ang BAGYONG ODETTE, aba'y ang galing mo naman mag analyze hehehhe. Si bagyong odette na mas lalo akong sinaktan at pinahina.

Nanginig na nga katawan ko sa pangyayari sa maguad siblings, mas pinalala pa ng bagyong odette. Isa kami sa mga nasalanta ni odette. Nung dec. 16 halos naging superwoman ako dahil may bitbit akong dalawang bata plus may bitbit pakong gamit na nakabox na kailangan ko ang dalawang kamay para buhatin yun. Halos naligo talaga kami ng ulan ng mga anak ko at ako. Wala pa nga akong tulog sa araw na yun dahil 3 am ako nagising kaya para akong lasing maglakad at kumilos. Dahil mabigat sobra ang mata ko pati katawan ko masakit. Pero God is good kasi binigyan nya pa ako ng ibang lakas na di ako matumba o madisgrasya habang dala ko ang mga bata. Grabe talaga yung baha umabot ng 2nd floor ang taas ng tubig kaya bahay talaga namin natabunan ng tubig. Kaya ngayon heto masakit ulo ko san kami kukuha ng makakain. Dahil hindi pa makaduty partner ko dahil ID nya at bag sa trabaho natangay ng baha. Delivery rider kasi sya at kailangan yun pag magduty sya. Ngayon di kopa alam san ako maghahagilap ng pera para sa pagkain ng mga anak ko at pambayad ng mga dapat bayaran. Nakakaiyak ang pangyayari sa kinsenas ng month of December ko. Napasabi nalang akong parang sarap na magpahinga. Di ko na ata kaya ang nagyayari sa mundo. May sakit pa akong iniinda na dapat macheck up. Halos kaliwat kanan problema ko. Di pa masolusyonan dahil sa kawalan ng pera. Okay lang sana kung merong magbibigay pero wala eh. Pahirapan pa. Kakaiyak sobra.magpapasko na pero puno ako ng pasakit at pighati sa buhay. Diyos na ang Bahala magbigay samin ng grasya at lakas. Alam kong di ako pababayaan ng Diyos. Kaya kahit masamang dagok ang december ko. Alam kong may awa padin ang Diyos sa pangangailangan ko.

Salamat padin dahil iniligtas at nilayo kami ng Diyos sa banta ng baha at lakas na binigay ng Diyos para maka alis lang. God is good all the time for me. Lahat siguro to may purpose at kapalit.

2
$ 3.97
$ 3.94 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Ayane-chan
Sponsors of Lyn2x
empty
empty
empty
Avatar for Lyn2x
Written by
2 years ago

Comments

Ako ayus lang kahit matumal atleast meron parin po.. Continue po tayo kahit papano

$ 0.00
2 years ago

Active ka po ba magbasa dito? Ganun po kasi din sakin si Rusty. Kapag wala ako madyadong nababasa o nabibigyan ng upvotes dito ay kaunti lang ang ibibigay niya na upvotes sakin.

$ 0.00
2 years ago

Kahit pa active ako di rin nagbibigay ng malaki eh. Last time nagbigay sakin ng 5$ si rusty wala nga ako upvotes ng mga users dito eh at di rin ako nagbasa. Pero binigyan nya ako ng 5$

$ 0.00
2 years ago

Give and take lang kasi yun. Dati di ako nagbabasa kaya maliit din bigay sakin. Nung naging active ako at marami ng engagement dito sakin lumaki mga upvotes niya.

$ 0.00
2 years ago