Gabayan natin ang ating mga anak

6 77
Avatar for Lyn2x
Written by
3 years ago

Isa ngayon sa nagtrending ang isang video at image ng batang nagkalat ang kanilang malalaswang larawan at pinagpasa-pasahan ng mga tao. Kung ako ang magulang at ina nung mga batang yun ay malamang naubod naku ng hiya sa ginawa nung mga batang yun.

Kaya po kung maaari wag po nating hayaan na ang ating mga anak ay panay sama sa mga barkada nila o magbabarkada, kasi sa totoo lang ang barkada ay wala pong magandang maidudulot sa ating kabataan ngayon lalong lalo na sa henerasyon ngayon.

Source:illgealnadroga.com

Dito nga samin ang mga teenagers may mga syuta na panay halikan pa sa daan at haplos haplos. Nandidiri ako sa mga batang yan kasi dati sa edad nilang yan, hindi ako ganyan dati eh kaya talagang ang laswa nila tignan. Mga bata ngayon ay napabayaan na ng mga magulangnila.

May kapatid akong teenager na 16 at 18 pero di ko sila kinokosente kasi sa hirap ng buhayngayon at kung hayaan silang maglandi sa edad nila ay tiyak akong hindi maganda ang kalalabasan. Mga bata ngayon ay suwail na kaya wag nyo hayaang kontrolin kayo ng anak niyo. Kung maglayas yan dahil dinisiplina ninyo. Ipadakip ninyo sa pulis para matakot sila at makulong ng pansamantala para matauhan at matikman nila kung maganda ba ang bilanggo.

Hindi po tayo mangonsente ng maling gawain. Kasi tayo rin bilang ina/magulang ang mahihiya sa ginagawa nila  at tayo pa mananagot dahil pinabayaan natin. Kung matigas ulo ng anak nyo paluin niyo. Hindi yun anak ang tatakot sayo. Mag disiplina po tayo sa kanila dahil para sa kanila yun. Walang masama sa pagpalo o pagdisiplina basta hindi molang papatayin sa pagpapalo. Pag mali'mali. Wag itama ang kamalian kundi ituwid mo para di uulitin.

Kasi pag hinayaan natin sila maglayas, magbarkada, maglakwatsa at iba pa eh alam na ang resulta niyan na hindi maganda ang kalalabasan. Marami kasing pwedeng mangyari sa kanila, pwede silang marape(hindi lang babae ang pwede marape),makidnap, patayin,mabuntis, masangkot sa droga, makapasok sa sexual activity at marami pang iba. Kaya ingatan po natin mga anak natin at wag hayaang pagala gala sila sa daan. Pati magbarkada mga yan limitahan niyo. At ipaliwanag sa kanila kung bakit pinagbawalan. At ipakita rin sa kanila na nagmamalasakit at nagmamahal kayo sa kanila. Turuan niyo rin ng tamang asal at respeto sakapwa.

Kasi itong nagviral ngayon ay nakakaawa talaga, ang laki ng ngiti nila pero sa buong mundo sira na kinabukasan nila at pamilya o pangalan nila. Kaya sana lang po maging halimbawa yung mga bata yung para di matulad anak niyo sa kanila. Kung tayong magulang ay nagtatrabaho, aba emonitor po ninyo anak ninyo kung nasaan sila at ugaliing magpa alam sa inyo kung san pupunta at dahil may videocall na ngayon kaya gamitin natin yan para mamonitor sila. Kung may cctv kayo mas mabuti ereview niyo yan kada araw para alam niyo kung ano ginagawa ng anak ninyo.

Bilang magulang tungkulin nating pahalagahan at ingatan sila at disiplinahin. Kaya gawin ninyo ang tama para sa kanila. Pero please lang wag niyong konsentihen at hayaang saan lugar pagala gala.
Ang buhay ng mga anak natin isa lang kaya baka magulat nalang kayo isang araw bangkay na anak niyo na dumating sa bahay ninyo.
Maging mapagmatyag tayo sa mga kilos nila. Hindi yung puro tayo negosyo tas ang anak nagkabulakbol na sa kanilang ginagawa at pag aaral.

Salamat sa inyong pagbabasa sanay nakakatulong ito sa inyo kasi para sa kanila naman yang kinabukasan.

5
$ 17.01
$ 16.98 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @LucyStephanie
$ 0.01 from @emmapeterson
+ 1
Sponsors of Lyn2x
empty
empty
empty
Avatar for Lyn2x
Written by
3 years ago

Comments

Naalala ko po tuloy ang aking kapatid na bunsong lalaki ay naku parang mauubusan ng babae sa mundo at hindi makapag hintay ka ka-graduate pa nga lang nya ng highschool, pero lagi po naming pinapaalalahanan mag focus sa pag aaral wag sa pag syo syota , mas magandang unahin muna ang pag aaral..

$ 0.01
3 years ago

Oo nga mga kabataan ngayon parang nagpalugsahan na magkaroon ng syota. Susmr ang mga 14 years old ngayon may syota na. Ewan koba kung ang magulang ang nagkulang or masyado lang suwail mga bata ngayon

$ 0.00
3 years ago

Ganon na nga po sa panahon ngayon, masyadong maraming mapupusok na bata, ewan ko ba kung bakit sobra sobra ang pokus nila sa pagkakaroon ng syota.

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga eh nakakagulat mga kabataan ngayon. At kung hindi yan makontrol baka mga anak natin in a future 11 years palang may asawa na katakot naman.

$ 0.00
3 years ago

Awwww may ganun palang nangyari. Jusko iba na talaga panahon ngayon. Masyado na nawawala paggalang sa sarili. Akala nila ok lang yun pero hinde. Haaaay. Meron kasi ibang mga magulang takot disiplinahin mga anak, sunod sa luho. Ayun. Sad lang.

$ 0.00
3 years ago

Oo sis di ko pinanood yung video niyan at images na nakabikaka. Kasi naawa ako sa dalawang dalagita na yun. Na nagpasa pasahan ang mga tao. Kaya yung ibang facebook users ni banned ni facebook dahil dyan sa video

$ 0.00
3 years ago