Ikalawang Yugto: (Isang trahedyang hindi mabura-bura sa isipan naming lahat na nandoon, lalo na sa kanilang dalawa ng aking kapatid)
Unang Yugto: https://read.cash/@Lunah/ang-swimming-pool-sa-villa-hotel-c224de7c
Kami ay nasa Villa Hotel na. Medjo creepy nga ang hotel. Doon kami sa ilalim dahil doon ang venue. Malapit sa swimming pool. Ang swimming pool ay punong-puno ng mga balloons at mga lights sa ilalim na parang inaakit kami na maligo. Kapag tingnan namin ang swimming pool, parang napakababaw lamang. Nagmasid-masid lang muna kami sa paligid at sa mga taong naroroon.
Pagtapak ng isang lalake doon sa swimming pool, ay taga tuhod niya lamang. Kaya, kami ay namangha dahil hindi talaga malalim ang tubig. Kaya, pagkalipas ng ilang oras ay naligo na lang din ang lalake kong kapatid. At oo nga, hanggang tuhod niya lang ang babaw ng tubig. Sumunod din naman ang kapatid ko na babae.
Kumpaynsa naman kami dahil, hindi malalim ang tubig. Gusto ko din maligo ngunit parang nagdadalawang-isip ako. Hindi dahil sa takot ako sa tubig kundi takot ako sa sinabi ni mama tungkol sa swimming pool rito. Nagtataka din kami nila mama na bakit hindi malalim ang tubig?.. Baka siguro, binabaan nila upang wala nang trahedyang mangyayari pa.
Nasa gilid-gilid lamang ang dalawa kong kapatid hinahabol-habol ang mga balloons sa gilid .
Pagkaraan ng ilang minuto ay nawala sa isipan namin ang dalawa kong kapatid. Raffle time na ata yun. At biglang natawag ang aking kapatid na lalaki. Nabunot ang kaniyang pangalan sa raffle. Kaya, tinawag ito ngunit wala sila sa gilid namin. Agad naman sumigaw si guard.
"Hala! ang bata ang bata!!!!"
Agad namang lumingon kami kay guard na malapit sa swimming pool habang tinuturo ang dalawa kong kapatid na nag-aagaw buhay sa gitna sa tubig.
Kami ay nataranta at umiiyak iyak na kami nila mama. Habang lumukso ang lahat ng mga tatay doon upang e rescue ang aking mga kapatid. Ngunit, pati silang lahat ay unti-unting lumulubog. Parang hinigop silang lahat.
Kaya, kumuha ang mga tao doon o naghanap ng lubid dahil hindi lang ang aking mga kapatid ang nalulubog kundi lahat ng mga tatay na naroroon sa gitna ng swimming pool. Hinihigop daw kasi silang lahat pailalim tapos hindi sila makatapak sa parang tiles ng swimming pool. Napakalalim pala ng swimming pool na yun.
Ilang minuto din bago lahat ay naka ahon sa tubig. Ang swimming pool ay parang kawali na plain lang sa gilid at nasa tuhod lang ang tubig. Pero, sa gitna ay parang kawali o butas papailalim. Ngayon lang talaga kaming lahat nakakita ng ganung swimming pool. Sa gitna ay may malaking butas.
Kung hindi natawag ang pangalan ng aking kapatid na lalake at kung hindi yun nakita ni guard. Eh, wala na sila ngayon. Grabeh ang trahedyang nangyari doon. Ang swimming pool ay parang may nakatira talaga na hindi nakikita na gustong kumuha ng buhay ng tao.
Kaya, minsan, hindi na kami naliligo sa mga swimming pool na pinupuntahan namin. Tanging kumakain lang kami at nag pipicture. Dahil, hindi namin alam na baka may malaking butas nanaman sa gitna ng swimming pool.
Actually, parang bowl siya na kahit anong balik mo paitaas ay mahuhulog ka talaga sa ilalim. Kahit nga mga tatay eh, hindi nila na kayang bumalik o umahon kaagad sa tubig dahil nga napakalalim ng swimming pool.
Kitang-kita ko talaga kung paano lumukso ang aking tatay at ang lahat ng mga ka office mate niya patalon sa tubig para lang maagapan ang dalawa kong kapatid.
Kahit hanggang ngayon, kahit malalaki na kami. Lalo na yung dalawa kong kapatid. Ay hindi pa rin nila mawala sa isipan ang trahedyang iyon. Parang natatakot na sila at parang di makapaniwala.
Ang dating mababaw na swimming pool ay may nakatagong patibong sa gitna nito.
Kaya, mga tagasubaybay ko. Wag na wag niyo talagang iwan ang mga anak niyo kahit napakababaw pa ng tubig sa swimming pool. Dahil, hindi natin alam ang mga lugar na pinupuntahan natin.
Salamat sa inyong pagbabasa. Hanggang sa susunod muli. Mag-ingat parati.
May mga ganoong style po ata talaga ng swimming pool. Pero never pa po akong nakakita in person. Pero sana yung iba ay huwag na gumawa ng ganoong estilo ng swimming pool dahil delekado talaga kahit pa sabihin mong marunong kang lumangoy.