Ang Swimming Pool sa Villa Hotel

11 50
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

Panibagong storya na naman tayo mga kababayan. Ito ay nahahati sa dalawang yugto o storya. Halina't subaybayan natin ang unang yugto ng kababalaghan sa Swimming Pool sa Villa Hotel na hango sa totoong buhay at karanasan.

Sponsors of Lunah
empty
empty
empty

Ngunit bago ang lahat, muli na naman akong nagpapasalamat sa aking mga tagasubaybay, readers,subscribers, upvoters at lalong-lalo na sa aking mga sponsors. Kung nais niyo pang dumagdag sa sponsor list. Maraming pang bakante.Charoott.Hehehe.


image:google

Nag-umpisa ang lahat noong kaming tatlo ay sinama nila mama at papa sa Villa Hotel (Hindi buong pangalan ng Hotel, para sa kanilang privacy). Mayroon kasing Christmas party sila papa sa kaniyang trabaho. Dati kasi may trabaho si papa ko sa isang office. Tuwing Christmas party ay nag cecelebrate sila kasama ang buong pamilya. At ang venue ay sa Hotel dahil walang budget pang beach. Mostly kasi sa dagat ang venue.

Ako ay nasa Grade 9 pa lamang nun, samantalang ang dalawa kong maliliit na kapatid ay Grade 7 at Grade 5 pa lang. Bago kami umalis ng bahay ikinuwento muna nila mama at papa ang tungkol sa kababalaghan na nangyari sa Villa Hotel noon.

Mayroon daw batang namatay doon sa Hotel. Hindi lang isa kundi maraming mga balita na may namamatay doon. Isang kwento ay tungkol sa anak ng guard sa Villa Hotel noon. One time daw kasi, dinala ng guard ang kaniyang maliliit na mg anak na babae sa kaniyang trabaho. Nasa 6 years old at 4 years old lamang sila. Habang naglalaro ang dalawang anak niya. Hindi niya namalayan na nawala na pala ito sa tabi niya. Huling kita niya rito ay nakipaglaro ang bunsong anak niya sa palaka. Hinabol-habol niya ang palaka.

Hinayaan lamang daw niya ito dahil nasa tabi niya lamang ito. Ang panganang anak niya naman daw ay nakatingin lang sa kaniyang kapatid habang naglalaro.

Pagkaraan ng ilang minuto pa ay, nawala na ang kaniyang dalawang anak na babae. Agad naman siyang tumakbo at hinanap ito. Wala raw tao doon sa labas ng hotel. Tanging sila lamang ng kaniyang mga anak. Malapad ang labas ng hotel. Kaya, inikot ikot niya pa ito.

Hanggang nakarating siya sa bandang swimming pool. At narinig niya ang tinig ng kaniyang anak na umiiyak at tinatawag siya. Tumakbo siya paparoon. At bumungad ang kaniyang bunsong anak na palutang-lutang sa tubig at nawalan ng malay. Itinakbo naman ito kaagad sa hospital ngunit di na naagapan.

Tinanong naman ng kaniyang tatay ang panganay na anak. Sinundan niya raw ito dahil biglang nawala ang kaniyang kapatid. Dahil sinundan ng kaniyang kapatid na bunso ang palaka. Hinatak niya ang kaniyang kapatid, ngunit di na niya ito mahatak pa.

Sa murang edad, di naman natin masisi ang bata kung hindi siya kaagad bumalik sa kaniyang tatay upang humingi ng tulong dahil malayo ang swimming pool sa guard house. Paano din naka abot ang bata doon.


Ayon sa sabi-sabi, maraming mga hindi nakikita na mga nilalang ang nakatira doon. Ang palaka ay isang engkanto at binilog lamang ang bata hanggang makarating sa swimming pool.


Sabi ni mama, uupo lang daw kami at maghintay sa kaniyang command kung ano ang aming gagawin doon.


Pangalawang Yugto: (Isang trahedyang di mabura bura sa isipan naming lahat na nandoon, lalo na sa kanilang dalawa)

Kami ay nasa Villa Hotel na. Medjo creepy nga ang hotel. Doon kami sa ilalim dahil doon ang venue. Malapit sa swimming pool. Ang swimming pool ay punong-puno ng mga balloons at mga lights sa ilalim na parang inaakit kami na maligo. Kapag tingnan namin ang swimming pool, parang napakababaw lamang. Nagmasid masid lang muna kami.

Pagtapak ng isang lalake doon, ay taga tuhod niya lamang. Kaya, naligo na lang din ang lalake kong kapatid. At oo nga, hanggang tuhod lang ang babaw. Sumunod din ang kapatid ko na babae.


Tatapusin ko bukas ang pangalawang yugto. Ito talaga ang di mabura bura sa isipan ng dalawa kong kapatid, pati ako, at halos lahat kami na nandoon. Pati mga tatay. Sana subaybayan niyo bukas.

Salamat po sa pagbabasa. More Creepy Stories to write pa. Comment na lang sa magpa shoutout. Charottt. Hahaha. Feeling blogger. :D

@Lunah

4
$ 2.20
$ 2.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Expelliarmus30
$ 0.01 from @Jaytee
Avatar for Lunah
Written by
3 years ago

Comments

Minsan nililinlang tayo ng sarili nating mga mata. Sa ating paningin mababaw pero malalim pala. Kaya ako di ko inaalis ang tingin ko sa aking mga alaga ma pa pool o dagat man iyan..

$ 0.01
3 years ago

Tama ate Claire. Minsan nabubulag talaga tayo lalo nat malinis at maganda ang pool. Haystt

$ 0.00
3 years ago

Ganun po talaga mapaswimming pool man o dagat ay nangunguha iyun po talaga ng sabi ng mga matatatanda. Kaya ang best pong gawin ay mag ingat ,sumunod tayo sa payo ng ating mga magulangat huwag lalayo sa kanila para mababantayan nila tayo.

$ 0.01
3 years ago

True sissss . haystt.

$ 0.00
3 years ago

Waiting na ako for the part 2. Hehehhe

$ 0.00
3 years ago

I already published the part 2 po. Mas intense yun.

$ 0.00
3 years ago

Sige po sige po I will read it po.

$ 0.00
3 years ago

Kaya ako, di ko talaga winawala paningin ko sa mga pamangkin ko tuwing naliligo. Mapadagat man o swimming pool.

$ 0.01
3 years ago

Misan, parang nawawala sa sarili ko ang mga kapatid ko eh, lalo na basta nawili na sa mga program at kain. Hahaha. Pero, dapat higpitan talaga natin ang pagbantay sa kanila.

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot... pero pag may mga bata dapat tlga todo bantay lalo n pagmalapit sila sa pool.. Or tubig dahil bata ang mga yan

$ 0.01
3 years ago

Tama , dapat todo bantay talaga.

$ 0.00
3 years ago