Tula para sa obra ni Leonardo Da Vinci, "Mona Lisa"
0
117
ni: Fiona Faye N. Lausingco
Itong kabigha-bighaning dilag
na siyang tuluyang bumihag
sa mga matang tila nakalatag
sa iisang obra—kay ganda, liyag.
Hugis ng mukha’y tila perpekto;
wala mang kilay,’di nagpatalo.
Sa rikit ng pagkakapinta rito,
tiyak na nakatatak ito sa mundo.
Inspirasyon ay si Lisa del Giocondo
sa pagkakalimbag na ito ni Leonardo.
Walang papantay sa halaga nito,
lalo sa puso ni Francesco Giocondo.
Ang pintor ay malikhaing-higit.
Ang ‘Mona Lisa’ ay obrang ’di pilit.
Punong-puno ito ng hiwaga at rikit.
Kaysarap pagmasdan nang paulit-ulit.