Pandemya, hanggang kailan ka pa kaya?
Senior High School (2019)
Magandang gabi sa inyong lahat. Isang karangalan na nandito ako ngayon at makakapagsabi ako ng aking opinyon at pahayag. Nais kong ipahayga ang aking kaisipan, kaalaman, at opinyon. Nawa’y ang aking mga salitang bibitawan ay makapaghatid ng pag-asa para sa inyong lahat.
Bilang resulta ng trahedyang COVID-19, maraming bagay ang nagbago, kabilang ang sistema ng edukasyon ng bansa. Naghahanap lamang ng alternatibo ang administrasyon para mas matuto ang mga mag-aaral ngayong taon, dahil ayaw nitong ihinto ang enrollment ngayong taon. Isang nakakahawang sakit mula sa Wuhan City, China na tinatawag na Corona Virus ang kumalat hindi lamang sa kanilang bansa kundi sa buong mundo kasama ang Pilipinas. Nasa milyong tao na sa buong mundo ang naapektuhan nito at marami na ring namatay. Isang sakit na hindi lamang nakaapekto sa pisikal na kalusugan kundi maging sa mental na kalusugan.
Kumusta na kaya ang ating mga kamag-aral? Namimiss na kaya nila ang mga kaklase at mga guro? Kumusta naman kaya ang mga naiwang gamit natin sa ating silid-aralan? Parang kalian lang, nasaa silid-aralan lang tayo, nakikinig, sumasagot sa tanong ng guro, may ibang natutulog, kumakain, at iba naman ay nagkukwentuhan.
Huling ngiti sa klase...
Patapos na sana ang isang taon sa ating pag-aaral at tayo’y tila naghahanda na para sama samang nating ipagdiwang ang nakaraos na naman tayo sa isang taon ng pag-aaral. Sa kasamaang palad, hindi natuloy ang mga balak at sa halip napilitan tayong manatili sa ating mga bahay. Bakit nga ba nangyayari ito saatin? Maraming pangyayaring nagaganap sa buong mundo ngunit anng pagdating ng isang pandemya na ito ay itinuturing na isang delubyo kung saan lamang isang bansa ang nanganganib bagkus halos buong mundo. Sa isang tao o komunidad ang laki ng epekto ng pagkalat ng virus na ito. Nanganganib ang bawat buhay ng bawat isa, nakaramdam tayo ng takot sa pang araw araw nating pakikisalamuha sa ibang tao.
Sinong magaakala na dahil sa sakit na ito ay napigilang lumabas ng bahay ang mga tao, marami ang nawalan ng trabaho at nagsaradong kumpanya. Naiba ang pamamaraan ng pag-aaral, huminto ang transportasyon, at tila bumagal at nag-iba ang ikot ng mundo. Sa kabila nito, maraming bayani ang lumutaw tulad ng tinatawag na mga frontliner na inialay ang kanilang sariling kasiyahan, kaligtasan, at mismong buhay para iligtas ang iba.
Sa pandemyang ito, hindi pantay-pantay ang karanasan nating lahat. May mga taong lubusang nasaktan, nawalan ng trabaho, at nawalan ng mahal sa buhay. Ngunit, may mga tao ring nagkaroon ng negosyo, nagkapera, at nag bago ang buhay para sa ikinabubuti. Kaya naman, hindi natin masasabi na ang karanasan natin bilang indibidwal ay katulad sa lahat. Dahil ang pandemyang ito ay naging daan upang mamulat ang mga tao sa katotohanang pangyayari sa buhay, sa politika, at iba pa.
Ang COVID-19 ay nagkaroon ng makabuluhang impluwensya sa kalusugan at kalusugan ng lipunan ng maraming Pilipino, kasama na ang sa akin. Maraming buhay ng mga sibilyan ang pinamamahalaan ng stress, partikular ang mga mag-aaral at empleyado. Ang Quarantine, bilang karagdagan sa pagbuo ng isang kakulangan ng pagganyak sa aking buhay, ay sanhi din ng isang pag-aalsa ng pagkabalisa. Bilang kabataan, ano nga ba ang maaari nating maging kontribusyon o tulong para maging matatag sa pagharap sa problemang ito?