Lakbay Sanaysay

0 51
Avatar for Lunafaye129
2 years ago

Bakit kailangang magsagawa ng pananaliksik bago maglakbay?

Mas maganda na lagi tayong handa sa tuwing maglalakbay. Kung hindi natin sasaliksikin o aalamin ang lalakbayin natin ay maari tayong mapahamak o makagawa ng hindi ayon sa batas ng lalakbayan. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, marami tayong pwedeng malaman gaya ng mga magagandang lugar na pwedeng pasyalan. Pwede natin malaman kung anong mga lugar ang magagndang pasyalan at kung kalian sila mainam na puntahan. Mas maiintindhina rin natin at mas maaapreciate ang iba’t ibang kultura ng bawat lugar. Mahalagang maintindihan nating mabuti ang kultura ng bawat lugar na ating pupuntahan. Magiging daan ito upang maging relax at hindi tayo mabahala sa ating paglalakbay. Maaari itong makatulong saatin sa pakikipagsalamuha sa iba’t ibang tao at para makaiwas sa gulo. Maaari rin naitng maiwasan ang iba’t ibang culture shock kung mananaliksik tayo nang husto sapagkat malalaman natin ang mga tamang pag-uugali, kasuotan, at pakikipag salamuha sa iba. Sa pananaliksik, marami tayong matututunan at maaari tayong makatulong na ibahagi sa iba ang ating mga natutunan. Maari rin nating maiwasan ang mga delikadong lugar na hindi dapat pinupuntahan. Malaking tulong ito para mabigyang alerto ang ibang mga manlalakbay.

Ano o sino ang tuon ng lakbay sanaysay?

Karaniwang nakatuon ito sa ating sariling karanasan. Maaari itong saating mga napuntahan. Nagging lakbay, mga karanasa, at mga naidama. Ang iba’t ibang damdaming ating naranasan sa ating nagging lakbay. Maaaring namangha, hindi makapaniwala, at bilid sa iba’t ibang magagandang tanawin. Kabilang rin dito ang lugar na ating napuntahan. Iba’t iibang destinasyon na mas nagbibigay ganda sa mga lugar na napuntahan. Mga lugar na talagang kamangha mangha at kakaiba. Mga destinasyon na mas nagpapayabong ng mga lugar at aking ganda nito. Mga lugar na kung saan maraming magagandang alaala ang magiiwan saiyo na talagang hanggang sa paglaki ay babaunin mo. Kabilang din dito ang ibang mga tao. Mga taong nakasalamuha natin saating paglalakbay. Mga taong may iba’t ibang kultur ana talagang kamangha-magha. Ating mga nakasalamuha na taalgang nakapagpagaan ng loob natin saating paglalakbay. Mga aral na ating natutunan pati na rin ang iba’t ibang impormasyon na saatin ay naibahagi na talagang magpapakita kung gaano kaganda ang isang lugar.

Ano ang kahalagahan ng sarili sa lakbay sanaysay.

Kung wala ang sarili, paano magkakaroon ng lakbay-sanaysay? Mahalaga ang sarili sa lakbay sanysay sapagkat tayo ang magiging daan upang maisawalat ang mga nagging karanasan natin sa paglalakbay. Tayo ang maglalahad ng mga ganap saating paglalakbay. Tayo ang magpapakita at magkukwento tungkol sa kung gaano kaganda sa isang lugar. Maibabahagi natin ang iba’t ibang kultur ana ating naranasan pati na rin ang mga magagandang karanasan. Maituturo natin sa iba ang iba’t ibang tradisyon na ating Nakita at natutunan. Tayo ang isa sa magiging daan upaang dumami ang mga taong nagnanais na makapunta sa lugar na iyon upang pasyalan at amkita kung ano ang ating mga nakita. Maipapakita natin ang iba’t ibang pag uugali ng mga tao ang kung paano sila makitungo. Maibibida rin natin ang iba’t ibang mga destinasyon na lalong mas nagpapabuhay sa gandang taglay ng isang lugar. Sarili ang magiging daan upang mabigyan atensyon muli ang iba’t ibang lugar lalo na ang mga nakalimutang pasyalan sa paglipas ng taon.

Sponsors of Lunafaye129
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Avatar for Lunafaye129
2 years ago

Comments