Halina't kilalanin ako
Narito ang isang tula upang mas makilala ako
Katangian, kagustuhan, pati pangarap ko
Mayroong sikretong maibabahagi ako
Halina't kilalanin kung sino ako
Minsan ako'y napapatingin sa salamin
Upang pagmasdan ang aking sarili at kilatasin
Ano ang kailangang baguhin
Pango kong ilong, ang hirap tangapin
Ako pala yung tipo ng tao
Minsan maingay, minsan walang kibo
Depende sa taong nakakasama ko
Ang kilos at mga ginagawa ko
Ang mundo na dati’y malayang ginagalawan
Biglang naglaho pati pangalawang tahanan
Ang dating masaya at makulay na mundo
Ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito
Tahanan ang nag silbing paaralan
Kay raming distraksyon at pinagkakaabalahan
Kalungkutan ang bumabalot sa bawat aksyon
Minsang nakaranas ng pagkabalisa at depresyon
Kalungkutan ay hinanapan ko ng solusyon
Hilig sa pagsayaw, doon nalang itinuon
Nagbasa ng libro, naglaro, at nanuod ng telebisyon
Hanggang sa umayos na ang aking kondisyon
Ngayon, ako ay nasa ikalawang taon na ng kolehiyo
Kursong narsing ang pinag-aaralan ko
Talagang mahirap at kailangan ng dedikasyon dito
Hindi pwedeng manghina lalo na’t mahirap ito
May mga pagkakataong pinaghihinaan ako,
Inaaliw ang sarili, minsan natutulog ako
Kalusugang pangkaisipan iniingatan ko
Naglalaan ng panahon upang makapag relax ako
Ang daming pangarap na gusto kong matupad
Katulad ng isang ibon na malayang lumilipad
Nais ko maging isang nars, negosyante, at mabuting estudyante
Kahit minsa'y nahihirapan, pilit pa rin aabante
Nangangarap ako hindi lang para sa sarili ko
Isa sa inspirasyon ang pamilya ko
Pilit lalaban at hindi sususko
Ipagpapatuloy ito hanggang kaya ko
Laking pasasalamat ko sa pinagtunguhan ko,
Bagaman alam ko na, kung ano ang haharapin ko,
Lakas lang ng loob at determinasyon ang kailangan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko
Thank you, everyone! :>>