Drawing No More
Tag-init na. Uso na ngayon ang magtampisaw sa dalampasigan o kahit na anong lugar na makakapagpalamig sa mga pakiramdam na mainit. Nagpaplano din ba kayong magkakaibigan o magkapamilya ng gala sa darating na summer? Sa tingin niyo ba ay matutuloy o hanggang group chat nalang ang mga plano na iyon? Natatawa ako lagi sa mga nakikita kung memes sa Facebook na hanggang group chat nalang ang pagtampisaw sa beach. Sana naman sa mga darating na plano di lang puro drawing ang mga ito kundi makulayan din at magkatotoo.
Lahat naman siguro may mga group chat na no? Ayan po ang gc namin magkakaibigan. Mga dati kung katrabaho yan. Kahit nasa iba ibang kompanya na kami nagtatrabaho, di parin namin nakakalimutan ang magkumustahan at mag-get together paminsan minsan. Siguro sa dalawang taon na tayo'y ikinulong ng pandemya, sabi na sabik tayong makawala sa bahay at gumala sa dating mga lugar na pinupuntahan natin. At kasama kami doon. Haha.
Matagal ng plano ang dinner sa Sisig Factory mga isang buwan na ang nakalipas. Pero alam niyo naman ang Pinoy, sa kahuli hulihan na araw eh, magbabago at magbabago ang plano. Unang plano, dinner with little bit of inuman sa Sisig Factory dito sa lugar namin. Chill-chill lang sana at kwentuhan. Ikalawang plano, napagpasyahan na sa bahay nalang nila Lyn ang venue para mas maging komportable kaming lahat at kung mag-round 2 pa sa inuman eh okay lang na doon matulog sa kanila. Sa araw na mismo ng get together, nagbago ang plano at ito na ang huling plano dahil kung hindi matutuloy, mababatukan ko na talaga ang pasimuno nito. Haha. Change of venue na naman at doon nalang daw sa bahay nila Juls sa kadahilanang walang kasama ang mama niya sa bahay. Understanding naman kami at umayon na kami sa huling plano. First time kung makapunta sa bahay nila at masasabi ko lang, sobrang layo. Halos isang oras ang byahe, nag.taxi pa kami niyan. Pashnea! Hahaha
Apat kaming naunang nakarating sa bahay nila Juls at kumain na agad kami dahil sa gutom na. Di na namin nahintay iyong iba at pang 2nd batch nalang sila. Masarap lahat ng pagkain lalo na ang fried rice, paborito ko kaya inubos ko nasa plato. Wag kayo mag.alala may natira pa sa kaldero. Hehe. Lahat ng handa ay may ambag kami, chip in kumbaga. Nga pala, nakaka.trauma mga aso nila Juls, parang mangagain eh. Habang kumakain kami, background music ang tahol nila, galit na galit lungs? Haha. After naming kumain, nakarating din ang 2nd batch. Sila naman ang pumalit sa mesa at kami pumunta na sa sala.
Hinanda na ang tequila at pulutan, umpisa na ng inuman. Naiinis ako kay Sitoy at kung makabigay sa akin ng shot parang manginginom talaga, ang BI. Hahaha. Nakalagpas ata ako ng sampong shot nito pero di naman nakakalasing at ladies drink lang naman siya. Kaya lang pabalik balik ako sa cr. Hehe. Mahina ako sa alak gawa ng di naman ako umiinom talaga. Habang nag.iinuman eh nanonood din kami ng Okja sa Netflix. Sino na nakapanood noon? Naka limang nood na ata ako niyan at di pa rin nakakasawa.
Ang ganda din pala ng tattoo ni Lyn. Taurus inspired siya at super inggit ako. Haha. Pareho kaming taurus at gusto ko na din sana ng design na ito. Sus, kung pwede ko lang gawin to. Hahaha. Sige, gagawin ko na sa future.
Bandang alas onse ng gabi eh andami ng chat ng asawa ni Lyn. Nakalimutan naming nasali pala siya sa gc ng grupo. Andami na niyang sinabi tungkol sa asawa niya kung asan na. Hays, resulta ng kulang sa tiwala sa relasyon. Bagong kasal pa kasi sila at nasa Gensan pa siya kaya siguro praning at kung ano ano na pinagsasabi sa gc. Kaya napilitan na din kaming umuwi. Pero may nagpaiwan pa naman. Sa sobrang layo ng lugar nila Juls 30 minutes pa bago kami nakakita ng taxi ulit sa subdivision nila. Ang liblib kasi at wala nang tricycle na nadaan. Hatinggabi na din kasi. Nakauwi ako sa bahay nang alas dos ng madaling araw. Buti nalang tulog na silang lahat at deretso higa na rin ako.
Sa pangkalahatan nasulit naman namin ang get together na iyon. Noong sabado pala iyon nangyari. Mga kwento sa bawat isa sa mga nakalipas na taon ay napag.usapan. Mga naghiwalay sa grupo at meron din naman naging mag.jowa. Mga tawanan na masasabi kung priceless at bondings na sa kanila ko din makakamtam. Nagplano din pala kami ng beach getaway sa susunod. Sana di ulit drawing at magkatotoo.
To all my sponsors, thank you for the undying support even though I'm not that really active in here, I'm still grateful for putting your support in my humble works. Thank you again.
Post Note
Hey there lovies,
I'm feeling to write in my native language for this article so I'm sorry for my foreign friends, but hey, you can Google translate it if you want. Hehe. I've been busy for the past days but I'm fine. How are you? Hope you're also doing just fine. Thank you to everyone who will stumble in this rambling of mine. See you in my next article. π
Cheering you always,
LuaDesamor π
Β©οΈ All rights reserved. LuaDesamor2022
All images are my own shots.
March 23, 2022 | 22:15 PH time
Yan ang gusto ko rin maranasan sis huhu puro trabaho lang ang alam ko , Ang sarap ng pulutan ah , liempo talaga yung isa sa favorite ko sis.