I'm Bliss. Clyde's girlfriend. Nandito kami ngayon sa sementeryo. Dito kami unang nagkakilala. That was All Souls' Day. Dinalaw ko kasi nun yung Lola ko tapos magkalapit lang ang grave ng Lola ko at nang grandparents din ni Clyde.
"Hon, masaya ako dahil binalikan natin ang lugar na'to. Siguro pinlano to ng mga Lola natin na pag tagpuin tayong dalawa."
Tumawa lang ako sa sinabi niya. Ngayon ay ang aming 3rd Anniversary at binabalikan namin yung mga lugar na naging saksi ng pag-iibigan namin. At isa na tong sementeryo. Mga 2 taon din kasing nanligaw si Clyde sakin dahil priority ko pa noon ang pag-aaral. Naghintay noon si Clyde hanggang sa makapagtapos ako. Alam niya kasi na pangarap ko na makapagtapos bilang Cum Laude.. At hindi naman nasayang lahat dahil nagtapos ako bilang Magna Cum Laude. Tama nga si Clyde, baka pinlano to ng mga Lola namin. Knowing my grandmother, gusto niya talaga na ipa-blind date ako.
"Yeah, baka nga. I know they're now happy."
Napagdesisyunan namin ni Clyde na lumabas muna sa sementeryo para maghanap ng pwedeng kainin. Saka may nakita kaming nagbebenta nang isaw. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Clyde. Isaw ang paborito naming dalawa. Hindi kami pumupunta sa mamahaling restaurant para mag date. Kundi, isaw ang lagi naming hinahanap tuwing lalabas kami.
Bumili naman kami ng maraming isaw na makakaya namin kainin. Yung iba dinala na namin sa sementeryo para dun kainin.
"Teka hon, may sauce ka sa gilid ng labi mo. Let me wipe it."
Bigla naman niya akong hinalikan sa gilid ng labi ko. Ibang klase talaga magpakilig ang lalaking to. Sasamantalain ko na dahil hindi na rin naman ako magtatagal.
"Clyde, may sasabihin sana ako sayo."
Panimula ko. Ayaw kong ilihim sakanya ang sakit ko. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya.
"Mamaya na yan hon. Maglibot muna tayo."
Dinala niya ako sa park. Dito kami palaging nagde-date. Sariwa pa sa isipan ko ang mga araw na masaya kaming nagpi-picnic dito. Hindi ko nga akalain na aabot kami ng 3 years. At parang kahapon lang nangyari ang lahat. Yung araw na sinagot ko siya, yung first date namin. Yung araw na naging legal kami sa mga magulang namin. Kay sarap lang balikan ng mga ala-ala'ng yun. Pero mukhang hanggang ala-ala nalang lahat.
Dito din kami nag-celebrate ni Clyde noon ng 1st anniversary namin. At sa haba na ng pinagdaanan namin, masaya ako dahil nasa tabi ko pa rin si Clyde. Hindi siya sumuko sa panliligaw sakin noon kahit ang haba ng hinintay niya bago makuha ang matamis kong 'oo'. Sinisimulan na nga namin itayo ang dream house namin eh. Pero baka si Clyde nalang ang makakaranas tumira doon.
"Hon,....."
Napatingin naman ako sa nakaluhod na si Clyde. Hindi ko alam ang ire-react ko habang unti-unting kinukuha ni Clyde ang isang maliit na box sa likod niya.
"5 years na tayong magkasama hon. Dinagdag ko na din yung taon nang panliligaw ko sayo. At masaya ako dahil umabot tayo sa ganito. Sigurado na ako hon na ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.... Ikaw lang yung babaeng gusto kong maging Ina ng aking mga anak. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan natin Bliss, hindi ka bumitaw... Kaya sana wag mo kong tanggihan ngayon... Bliss Toleco, will you marry me?"
Pinahid ko naman ang mga luha ko na nagpatakan dahil sa proposal ni Clyde. Hindi ko talaga to ini-expect. Ang nasa plano kasi namin, tatapusin muna namin ang bahay bago kami magpakasal. Kaya hindi ko ini-expect na mag-po-propose siya ngayon sakin. At dito pa talaga sa park!
"Yes Clyde. I will marry you."
Kasabay ng sagot ko ay ang malakas na palakpakan ng mga tao na nasa paligid namin. Bigla naman akong namula dahil ang daming tao na nakatingin samin at ang iba sa kanila ay binabati kami ng congratulations. Niyakap naman ako ni Clyde at tinignan ko yung engagement ring sa aking daliri. Napaka-ganda. Sana makaabot ako sa kasal natin Clyde....
Naglakad-lakad kami ni Clyde after nun at nilibot ang buong park. Binilhan niya din ako ng balloons at roses na gustong-gusto ko.
"Hon, may gusto ka pa ba'ng bilhin?"
"Hmn, wala na Clyde.. Ahmn, pwede ba makinig ka sa sasabihin ko?"
Tumango lang siya at humarap sakin.
"Clyde, mahal na mahal kita. Lagi mo'ng iingatan ang sarili mo. Tapusin mo yung bahay na ipinapagawa natin. Maging masaya ka palagi ha."
Alam kong naguluhan siya sa sinabi ko.
"Bakit ganyan ka magsalita? Itutuloy mo ba yung pag-aabroad mo?"
"Ahh o-oo... Pangarap ko yun eh..."
Pagsisinungaling ko para hindi na siya magtanong pa.
"Aysus yun lang naman pala eh. Sige papayagan kitang mag abroad pero ingatan mo din sarili mo dun ah. Sana bumalik ka agad."
Tumango lang ako. Tinignan ko naman ang mukha ni Clyde... Baka ito na kasi yung huling pagkakataon na masisilayan ko ang napaka-ganda niyang mukha. Napaka-swerte ko dahil siya ang naging boyfriend ko. Mami-miss kita Clyde.
------------
Habang papasok kami sa sementeryo.. biglang sumakit yung ulo ko.
Akala ko dahil sa init lang hanggang maalala ko yung sinabi ng doctor sakin.
"Hon are you okay?"
Hinang-hina na ang mga tuhod ko kaya napa-upo nalang ako. Hawak ko pa din yung noo ko. Hindi ko na talaga kaya ang sakit... Kailangan ko nang magpaalam kay Clyde.
"Hon, t-tuparin mo yung s-sinabi ko ah.... P-pasensya na h-hindi ako m-makakaabot sa kasal n-natin.... S-sorry kung h-hindi kita mabibigyan ng a-anak.... S-sorry kung h-hindi kita m-masasamahan habang buhay..... Hanggang dito nalang ako..... M-mahal na m-mahal kita tandaan mo yan...."
Pumikit na ako at ang huli ko lang narinig ay ang iyak ni Clyde habang humihingi ng tulong.
------------
Clyde POV
It was 2 years ago when Bliss diagnosed that has a brain tumor.. And now she's gone. Hindi na agad naagapan ang sakit niya dahil malala na talaga siya. Hindi ko alam ang gagawin ko noon habang nasa emergency room siya. Hindi man lang siya nakaabot sa kasal namin... kahit 'I do' lang hindi na niya nagawa. Ang sabi niya sakin noon basta makapag- I do lang siya, masaya na siya. Pero hindi yun nangyari dahil maaga siyang kinuha sakin. Nakapag-propose lang ako sa kanya saka naman siya nawala.
Natapos ko na din yung bahay na ipinagawa namin at nagpagawa din ako ng isang portrait na kamukha ni Bliss. Hindi ko alam kung paano ako makaka-recover sa ganung pain. Ginugol ko nalang lahat ng oras ko sa trabaho at pumunta sa iba't-ibang bansa na pangarap ni Bliss puntahan noon.
Nasa harap ako ngayon ng puntod niya. Dito kami unang nagkakilala at dito rin kami nagtapos. Akala ko magiging masaya na ako habang buhay pero simula nung mawala si Bliss, nawala na din yung kalahati ko. Nararamdaman ko talaga na may kulang sa akin. Yun ay si Bliss.
"Hon, happy anniversary. Anniversary din natin noon nung iniwan moko. Hon naman sana nag-abroad ka nalang.. Bakit ang aga mo pumunta diyan sa heaven? Iniwan mo agad ako nang hindi man lang ako ready... Hon akala ko ba titira pa tayo sa dream house natin tapos bibigyan mo ako ng anak. Bakit hindi mo tinupad hon? Siguro ngayon kasama mo na diyan sina Lola... Lagi mo akong bantayan hon ah. Nga pala, natapos na ang bahay natin. Pero nakakalungkot lang dahil ako lang mag-isa ang nakatira dun. Hindi mo na ako sinamahan. Mahal na mahal kita hon."
Di ko na napigilang umiyak. Miss na miss na kita Bliss. Sana nasa tabi pa kita ngayon... sana hindi mo agad ako iniwan. Madami pa tayong pangarap na hindi natupad eh. Sabay pa sana tayong tatanda pero wala eh. Maaga ka niyang kinuha sakin. Pero naging masaya naman ako nung mga araw na buhay ka pa at magkasama tayo. Ma-swerte nalang siguro ako dahil naranasan kong maging boyfriend mo.... Kahit sa huling araw mo pinaramdam mo pa rin sakin kung gaano moko kamahal. Alam kong masaya ka na diyan ngayon kaya pipilitin ko ding maging masaya para sayo at para sa sarili ko. I love you hon.
The end.
-Chezcka Lurein
πππ