Covid19 part2

0 4

Questions on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) - Tagalog Version)

6. Ano ang yugto ng inkubasyon? Gaano ito katagal sa COVID-19?

Ang "yugto ng inkubasyon" ay nangangahulugan na ang panahon sa pagitan ng

pagkahawa sa virus at simula ng pagkakaroon ng mga sintomas ng sakit. Ang

karamihan sa tinatantiyang yugto ng COVID-19 inkubasyon ay may saklaw na mula 1

hanggang 14 na araw, na kadalasan ay humigit-kumulang sa 5 araw. Itong mga

pagtatantiya ay maa-update habang dumarami ang data na naidadagdag.

7. Ano ang paggamot para sa COVID-19?

Ang pangunahing paggamot ay suportang pangangalaga.

8. Isang novel coronavirus ang napagalamang mikrobyong sanhi ng sakit na

COVID-19. Wala ba itong lunas?

Wala pang espesipikong paggamot. Gayunpaman, marami sa mga sintomas ay

maaaring gamutin at samakatuwid ang paggamot ay ibabatay sa klinikal na kondisyon

ng pasyente. Bukod dito, ang suportang pangangalaga para sa mga nahawaang tao ay

maaaring maging mas epektibo.

9. Napakataas ba ang dami ng namamatay sa COVID-19?

Ayon sa pinakabagong nakuha na impormasyon, bilang ng mga apektadong

bansa/lugar: 218, pinagsama-samang bilang ng mga nakumpirma na kaso: hindi

bababa sa 6,961,398 na kaso, pinagsama-samang bilang ng mga pagkamatay sa

kumpirmadong mga kaso: hindi bababa sa 401,776 na mga namatay.

Sa kabilang banda, kapwa ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle

East Respiratory Syndrome (MERS), ay sakit sa palahingahan na dulot ng coronavirus.

Ang nauna ay may dami ng namamatay na halos 9.6% habang ang huli ay lumampas

sa sangkatlo.

10. Wala bang sintomas ang COVID-19? Mamatay ba bigla ang mga pasyente sa

kalye?

Ayon sa impormasyong ibinigay ng mga awtoridad sa kalusugan ng Mainland, ang mga

sintomas ng mga kaso ay may kasamang lagnat, pananamlay, ubong matigas (o dry

cough) at pangangapos ng hinga. Ang ilang mga kaso ay nasa malubhang kondisyon.

Ang mga taong may nasa nakakatandang edad o pagkakaroon ng pangunahing sakit

ay nasa mas mataas na peligro na lumala sa malubhang kondisyon.

Kapag may mga sintomas ng palahingahan, magsuot ng surgical mask, lumiban sa

trabaho o pagpasok sa klase sa paaralan, iwasang pumunta sa mga mataong lugar at

kaagad na humingi ng medikal na payo, gumawa ng hakban

4
$ 0.00

Comments

Mawala ka na covid.. plsss...

$ 0.00
4 years ago

Oo nga po Sana mawala na Madani na kasing taong naghihirap ehh..hayst lahat naaapektuhan dahil Sa covid19 Yung trabaho apektado...

$ 0.00
4 years ago