"Uwi na tayo anak"
Kanina pag uwi ng ate ko nag kwentuhan kami. Hanggang sa nabanggit nya yung tungkol sa katrabaho nyang single mom na pumasok agad kahit kaka cremate pa lang ng anak nyang babae, 20 years old, kahapon. May suot daw na kwintas na may abo ng anak nya.
Nabangga daw ng mabilis magpatakbong naka motor yung babaeng pangalanan na lang nating Angel. Isang kanto na lang daw pauwi sa bahay nina Angel ng mabangga daw ng motor. Ang masakit pa dun imbes na tulungan si Angel ay pinili pa ng mga tao na videohan sya.
Nakatayo pa si Angel habang nagsasalita ng "Ma, ang sakit. Ma, ang sakit, ma." Hanggang sa tinawagan yung mama ni Angel at pumunta sya sa hospital kung saan sinugod ang anak nya.
May kapitbahay daw na nagsabing, "Hindi sya ang anak mo dahil nasagi lang ng motor ang anak mo." Pero hindi nakinig ang mama ni Angel at nilapitan ang katawan ng babae, "Ang anak ko, anak ko yan!" Sigaw ng mama ni Angel. Dala na rin siguro ng lukso ng dugo na kahit ano pang naging itsura ng anak ay nakilala nya pa rin ito.
Napanood ng mama ni Angel ang video at sobrang nasaktan sya at galit sa mga taong nandun na mas pinili pang i-video ang pangyayari imbes na tulungan ang anak nya.
Pagdating sa hospital ay dead on arrival na si Angel dahil nabasag daw ang bungo at naalog ang utak kaya wala na daw talagang pag-asa na mabuhay pa. Nahuli naman daw ang driver ng motor at kasalukuyang nakakulong.
Sa subconsciousness ni Angel kahit na wala na syang buhay ay nagawa nya pa ring tawagin ang mama nya na para bang nagsusumbong sya na masakit ang katawan nya dahil nabangga sya ng motor kaso di na sila nag pang about pa. Sa huling sandali mama nya pa rin ang hinahanap nya.
Diba napakasakit sa puso na dahil sa isang kapabayaan ay mayroong nagbayad ng buhay?
Napakasakit isipin na wala ng panahon na magluksa at iproseso ang lahat ng pangyayari dahil kailangang ituloy ang buhay kahit pa kamamatay lang ng mahal mo sa buhay.
Pag oras mo na, oras mo na. Walang makakapigil sa mangyayari. Ang buhay ay hiram lang sa Diyos at kapag niloob ng Diyos na kunin na ang buhay natin ay wala tayong magagawa. Di natin pwedeng sabihing "wait lang Lord di pa ako ready" o kaya naman ay "ayaw ko Lord marami pa akong gustong gawin sa buhay ko."
Binalikan ng mama ni Angel yung Lugar kung saan nangyari ang pagkakabangga sa anak nya tapos niyaya nya ang anak nyang umuwi na sa kanila. "Halika na 'nak. Nandito na si mama. Uwi na tayo 'nak."
Love_16
April 8, 2022
Friday