That kind of workmate

0 17
Avatar for Love_16
2 years ago

May isang katrabaho ako na di ko malaman kung ayaw ba nya sakin o gusto. Babae sya may asawa at isa rin sa mga matuturing na bago sa trabaho ko ngayon kahit pa 4 years na syang nagtatrabaho sa pinagtatrabahuhan ko ngayon. Pag kausap ko sya o ka chat may mga pagkakataon na nadi disregard nya ako. Naisip ko nga na baka kasi sobrang feeling close ko na porque't nagkakausap na kami. Hindi naman ako nakikipag usap sa kanila not unless may kinalaman sa trabaho.

Sinabi ko rin naman na di ako mabait at may pagka strict ako dahil pag sinabing trabaho ay trabaho. Ayokong pinagpapabukas o pinagpapamamaya kung pwede ng gawin agad.

Ito g teacher na to katabi ko sa mesa at upuan. Napapansin ko na lagi syang nakatalikod sakin o lumilipat sya ng pwesto. Naiintindihan ko naman kasi nga siguro nasisikipan pero matao man sa pwesto o hindi, lagi nya akong tinatalikuran tapos makikipag usap sya sa katabi nya sa left side nya.

Di naman ako yung tipo ng tao na makikisawsaw sa usapan or what kasi di naman talaga ako madaldal not unless palagay ang loob ko sa isang tao dahil introvert ako. Aside from that, pag turn ko ng magsalita, di na sya makikinig sa sasabihin ko.

Inamoy ko naman ang sarili ko at wala naman akong foul smell or what. Di ko rin naman sya sinisiksik at inaagawan ng pwesto kaya di ko maintindihan bakit ganon sya.

Nung unang pasok ko sa work, sinabihan ako ng head ko na magtanong sa mga naunang teachers sakin kasi nga nangangapa pa ako sa mga dapat gawin dahil nga bago ako. Sinabihan din ako ng head namin na hiramin ko daw ang presentations nila since pareparehas naman kami ng trabaho.

Tuwing mag me message ako sa kanya tungkol dun, di nya sini seen ang message ko kaya wala akong ibang choice kundi gumawa ng sarili kong gagamitin. After that, napapansin ko rin na palagi syang may side comment sa akin na di ko maintindihan kung bakit. Pero yung ng pagkakasabi nya ay dinadaan nya sa tawa at sasabihin nya na may mga nakakarinig. Pero dahil nga may tawa sya, parang magiging biro. Gaya ng "chikadora ka", "ang dami mong napupuna", "ang dami mong sinasabi" and such.

Marami pang ibang pagkakataon pero kanina yung pinaka grabe at confirmation ko na hindi nya talaga ako gustong katrabaho.

Last week of May pa ako nagsabi sa kanya na magpapa make up ako para sa video shoot sa trabaho. Nung una nag decline na sya saying na panghapon sya at di kami sa bahay. I dropped the topic then nung yung isang workmate ko ang nagsabi na magpapa make up at magpapaayos sa kanya, umoo sya agad. Saka nya ako sinabihan na aayusan nya na lang rin daw ako. Yung isang yun yung lagi nyang kausap at kakwentuhan. Tawagin na lang natin syang B. Tapos si A yung kinukwento ko.

Kanina na yung video shoot namin. Maaga akong pumasok para nga maayusan pero ang Sabi ni A sakin "kaya lang naman ako pumasok ng maaga dahil Kay B kasi aayusan ko sya." Nasa work na ako ng 7:30 pero di nya ako inayusan. So B dumating ng 8:30 Saka nya inayusan. Full hair and make up ang ayos nya. Samantalang ako, Saka nya ako inayusan nung natapos sya Kay B ng 9:30.

Buti na lang may dala akong hair iron kaya ako na ang nagplantsa ng sarili kong buhok. Nung di ko na maabot sa likod, yung taga ibang department ang nagplantsa ng buhok ko. Pagkatapos ko maplantsa yung buhok ko minadali nya yung make up ko. Parang no make up make up ang dating kaso ang putla ko tignan. Yung nilagay nyang lipstick, blush on at false eyelashes ay di magandang tignan. Ang putla ko talaga. Hanggang sa sinabi ko na maputla ako tignan kaya pinalitan nya yung lipstick ko.

Pagkatynun sinabihan ko sya na kung ow Deng ikulot din yung dulo ng buhok ko gaya ng ayos nya Kay B pero ang sagot nya sakin Wala ng time. Kaya lumabas na kami galing sa department namin then diretso sa video shoot. After ng video shoot, bumalik na kami sa office para magpalit ng damit dahil naka long dress and high heels kami. Sobrang nakakapagod mag shoot at nakakangalay sa paa dahil di naman ako sanay mag heels.

Nung nilalagyan nya ako ng make up, panay ang side comment nya na namamalat daw yung face ko which is totoo naman dahil sa papalit palit na panahon. Pina check up ko na yung face ko before and yun ang Sabi ng derma. Yung isa o dalawang sabi ay okay na pero pinaulit ulit nya kasi. Tuwing may bago syang ilalagay sa Mukha ko, lagi nyang sasabihin ang "sige balat pa more" na may kasamang tawa kahit na explain ko na sa kanya yung case ko.

Nung nagbibihis na ako ng damit di ko mahubad yung long dress na suot ko kaya nagpatulong ako. Kay B ako nagpatulong at ang sagot nya, "ito ang daming problema sa buhay, tulungan mo na nga Yan B ng matapos na." Di na ako sumagot dahil wala naman akong mapapala kung sasagutin ko sya. Si B tinulungan ako na makapagbihis.

Ang sakin naman, may usapan na kami na magpapa make up at magpapaayos ako ng buhok sa kanya kaya di ko maintindihan bakit si B pa rin ang inuna nyang ayusan. Yung isang kaibigan nga nya sinabi na ako na daw ang unahin dahil ako naman ang nauna Kay B pero si B pa rin talaga ang hinintay nya.

Nagbayad rin naman ako at hindi lang basta thank you ang sinabi ko. Nung umuwi na ako, pinakita ko Kay mama ang make up ko tapos Sabi ni mama saan naman daw ang minakeupan sa akin. Kasi nga maputla yung pagkaka make up nya.

Pinangaralan ako ni mama na wag ng uulit na manghingi ng tulong sa kanya lalo na at ganon naman ang pakikitungo nya sakin. Ngayon bibili na lang ako ng sarili kong make up kit at mag aaral din akong mag make up sa sarili ko para di ko na need magpa make up sa kanya next time.

Tama yung sinabi nila na hindi porque't nginingitian at kinakausap ka ay kaibigan mo na. Dahil una sa lahat, ang trabaho ay trabaho. Hindi sila kaibigan na pwedeng mapagsabihan ng nararamdaman at pinagdadaanan.

Ngayong alam ko na, di na ako mag a approach kung di naman work related. Di na rin ako manghihingi ng favor kasi kahit naman magbayad ako ay ganon pa rin naman pala.

Love_16

June 15, 2022

Wednesday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

1
$ 0.67
$ 0.67 from @TheRandomRewarder
Avatar for Love_16
2 years ago

Comments