Maraming bagay sa buhay ng isang tao ang nagiging dahilan kung bakit nagbabago at papano nagiging maayos ang mga bagay bagay. Mag karanasan, alaala, mga tao, pangyayari maging ang sariling kaisipan ang tumutulong sa kabuuan mo o natin. Totoo rin naman na hindi natin kayang mabuhay ng solo. Kailangan natin ng mga tao sa paligid natin. Kailangan natin ng karamay. Kailangan natin ng masasamdalan.
Pero paano kung wala kang malapitan?
Paano kung simula pa lang nag-iisa ka na talaga?
Paano kung walang nakakaintindi sayo?
Paano kung mahalaga ka pag may naibibigay ka?
Pero pag wala na, wala ka ng halaga...
May napapanood ako sa Facebook lately. Nagustuhan ko rin naman kasi natutuwa ako pag nakakakita ako ng marumi tapos nalilinis. Actually stress reliever ko ang paglilinis. Kumbaga pag naglinis ako, yung magulo kong isip unti unting umaayos.
Hoarding yung process ng pag iipon ng mga gamit na hindi naman talaga mahalaga o kailangan pero di nila maalis sa sarili nila na ipunin yun. Kahit pa kalat at gulo lang.
Hoarders yung mga taong nag ho hoarding. Alam nila sa sarili nila na hoarders sila at nakakaapekto yun sa pamilya, kaibigan at mismong buhay nila pero may dahilan kung bakit nila yun ginagawa.
Madalas tingin sa kanila mga nag iipon ng basura, pero yung basura pala na yun ay may halaga sa kanila. Share ko lang yung mga bagay na nakita ko habang nanonood ng Hoarders A & E sa Facebook. Pwede rin kayong manood kung gusto nyo.
Sabi sa palabas, ang isip at puso ng tao ay nakikita sa kung ano ang estado ng bahay or mga gamit nya. Hindi dahil lang sa pinili nila na gawin yun pero merong nag trigger para maging makalat at magulo.
They try to fill the emptiness they feel with belongings.
Merong kulang sa kanila at ang way nila para punan yun ay mga gamit. Yung kulang pwedeng, love, affection at kung ano ano pa pero madalas alam nila kung ano yun, pero ayaw nilang aminin sa sarili nila. Na kahit hindi nila kailangan o basura na, hindi nila kayang i-let go. Hindi nila kayang itapin at bitawan kasi parte na nila yung bagay na yun. Basura sa paningin ng iba pero mahalaga para sa kanila. Reason? Kasi may kulang sa kanila.
They have unresolved offenses and issues.
Karamihan sa mga featured people and stories sa Hoarders ay may mga pamilya. May asawa, mga anak at magarang bahay. May mga trabaho din sila so mapapaisip ka anong problema? Bakit umabot sa puntong wala ng matirahan? Hindi ba sila inaasikaso ng pamilya nila?
Sa totoo lang pinapapili sila ng mga mahal nila sa buhay kung anong pipiliin nila. Yung pamilya ba o yung mga gamit pero habang naglilinis na nandyan na yung nag iiyakan sila nagyayakapan at lumalabas yung sama ng loob sa isa't isa. Hindi dahil sa ayaw nila pero may mga nasabi, nagawa at nangyari na hindi kayang magkapatawaran at nagkukunwaring ayos lang ang lahat. Kunwari masaya. Walang totoo ni isa.
They are lonely.
Sa lahat siguro ng reason ito ang pinaka totoo sa lahat. Yung tipong kasama ka sa isang grupo or pamilya pero pakiramdam mo mag-isa ka. Yung may asawa at mga anak ka, trabaho, magandang bahay, di nagkukulang sa pera pero ni minsan di mo naramdaman na may karamay ka. Di mo naramdaman na mahalaga ka.
Di nila maamin sa sarili nila na nalulungkot sila at nag iisa kaya pinupuno nila ang paligid nila ng mga gamit. Para hindi nila maramdaman na mag isa sila... Na matagal na silang nag iisa.
They are broken.
Bawat isang gamit na meron sila ay nag re represent sa mga sarili nila. Pwedeng yung box nag re represent ng peace of mind nya. May nga ganon kaya hindi nya kayang mag let go kahit na alam nyang basura naman talaga kasi nga part yun ng sarili nya. Sarili nya na di nya maamin na may mali o may kulang kaya gagawa sya ng ibang paraan para mabuo yung sarili nila na sira, may sira o sirang sira.
Sabi nga dun ang state of mind ng tao hindi ganon kadaling ma diagnose kasi Hindi naman nakikita. Di tulad kung pisikal na aspeto. Pag may masakit sayo physically madaling makita pero pag ang puso at isip ang may sakit mahirap ma diagnose agad.
They don't have the support system that they need.
Oo nga at may pamilya, sila mga kaibigan, anak at asawa pero hindi sila natutulungan hindi dahil sa ayaw nila kundi dahil sa kailangan nila ng professional help. Habang naglilinis ng bahay ng hoarders, may psychologist na kasama para mag assess ng situation. May mga umiiyak, overjoyed or mga galit na galit. Kasi yun yung nasa loob nila.
Walang taong gustong tumira sa mabaho, makalat at magulong bahay. Walang taong gustong mawalan ng pamilya dahil lang sa gulo at kalat. Walang taong gugustuhing halos wala ng matulugan.
May pinagdadanan sila kaya sila nagkakaganon. Kailangan nila ng tulong, pang unawa, pagmamahal at mga taong kayang iparamdam na di sila nag-iisa at di nila kailangan ng mga gamit para lang maramdaman na may kasama sila.
*****
Madalas ganito tayo. Hindi man tayo hoarders pero at some point na experience at na feel na natin yung 5 reasons. Mahirap mag-isa pero may mga laban na ikaw lang ang pwede at walang kasama. Magpahinga ka. Mag enjoy ka. Kumain ka. Maging masaya ka.
Kahit mahirap lalo na may Covid. Mahirap pero hindi imposible. Kaya mo at kakayanin pa. Ngayon lang yan. Darating din yung araw na masasabinh tunay kang masaya.
Teka lang muna sa problema at bigat ng buhay.
Love_16
August 13, 2021
Friday