Random late night thoughts

1 17
Avatar for Love_16
1 year ago

Galing ako sa work kanina tapos yung head ko pinapirma ko sa recommendation form and para sa kanya immature daw ako kasi nga may attitude problem daw ako. Gusto ko sanang sabihin na "sino sating dalawa ang immature na imbes kausapin mo ako sa issue mo sakin, nag 'marites' ka muna sa iba".

Di ko dama ang supposed vacation ko.

Nakaka stress yung mga tao sa paligid ko.

Yung stress level ko di ko alam kung saan na umabot.

Ganon ba yun? Parang Wala akong silbi at ambag sa buhay mo ah. Di sa binibilangan kita pero Wala kang respeto sakin.

Nakakatakot na sa panahon ngayon kasi pwedeng kaibigan mo ngayon Bina backstab ka na pala. Sana sinabi na lang sayo ng harapan.

Hindi naman ako magtatanong kung alam ko na.

Yes teacher po ako pero tao rin ako and may emotions din at may right na naglabas ng sama ng loob.

Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na wala nga pala akong ipon.

Galing ako sa 7/11 kanina para sa sale nila pero di ko gets bakit pagpunta ko dun tapos na daw ang sale. Like why? Sana sinabi nyo sa promo nyo na until specific time lang pala ang sale nyo.

Grabe nakakapagod talaga these past few days.

Lagi kong naiisip na pano na ako? Buti pa sila may mga asawa, boyfriend or girlfriend. Ako sarili ko lang ang meron ako.

At the end of the day, mas mahalaga pa rin kung ano ang sasabihin ko sa sarili ko.

Ayaw mo sakin? Maayos ako magtrabaho, di nga lang ako magaling makisama pero di kita pakikialaman sa trip mo.

Gusto ko ng magbakasyon sa beach.

Wala na akong ibang kinain this past few weeks maliban sa fast food.

Grabe super tired na me.

May mga pagod talaga na hindi nawawala sa simpleng pagtulog lang.

Grabe natusok ako ng bubuyog nung Sabado tapos nilagnat ako kinagabihan. Kanina habang naglalakad ako papasok Makati yung pinagkagatan sakin ng bubuyog.

May nagsabi sakin na Ang dry ko daw kausap at naaalala ko lang daw sya pag may kailangan ako. Well, family ko nga di ako makausap sa sobrang busy sa trabaho, ikaw pa kaya na di ko kasama sa bahay?

Wala akong panahon mag lambing. Ewan ko ba wala ata akong sweetbones. Sweet tooth lang.

May mga time talaga na need ko rin maghinay hinay.

I speak bluntly and harshly kasi ganon naman kami dito char.

O sya good night na.

I hope na maging Masaya ka na ng tunay.

Love_16

July 11, 2022

Monday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Avatar for Love_16
1 year ago

Comments

Be happy and smile lang po hihi wag po masyadong seryuso sa buhay maam hihi. Peru totoo feel ko rin yang mahirap makikipag-usap o magbigay ng oras talaga sa iba kung napakabusy muna.

$ 0.00
1 year ago