Perks ng may trabaho

0 18
Avatar for Love_16
3 years ago

Madalas pag bata pa tayo gusto na natin agad tumanda. Pag nag-aaral pa, gusto na agad makatapos para makapagtrabaho na. Tapos pag tumanda na, gusto na lang bumalik sa pagkabata. Pag may trabaho na gusto na lang ulit bumalik sa pag-aaral. Ganon siguro talaga no? Gugustuhin natin yung mga bagay na wala tayo o hindi natin makuha.

Ang maganda lang pag bata ka pa at nag-aaral, punong puno ng mga pangarap na minsan sinusulat pa sa papel. Nakaka excite mag-isip ng future na akala mo ganon kadali ang lahat. Hindi pa ganon kabigat ang pasanin at responsibilidad kasi kadalasan naman ang kailangan lang gawin ay mag-aral ng mabuti at mag enjoy sa pagkabata.

Kaso hindi naman pwedeng lagi ka na lang bata o estudyante. Darating ang panahon na tatanda ka at ga graduate. Tapos dun na magsisimula ang mga bagay bagay. Nag-iisip ka na ng love life, mas realistic na yung mga gusto mo at mas namumulat ka na sa katotohanan na hindi ganon kadali ang lahat ng bagay.

Darating ka rin sa puntong, yung matataas mong pangarap bababa na at yung puntong magta tyaga ka na lang kasi wala ka namang ibang choice.

Ito yung madalas na mga tanong ko sa sarili ko.

Para kanino nga ba ako nagtatrabaho?

Anong goal ko bakit ako nagtyatyaga sa trabaho ko ngayon?

Kasi hindi naman pwedeng parepareho tayo ng takbuhin at gampanin sa buhay. Hindi rin maganda na kinukumpara natin yung sarili natin sa iba kasi magkaiba tayo. Siguro nga parepareho tayong nasa marathon pero di naman yung puntong sprint. Dun lang sa tamang takbo at tini take natin yung time natin sa mga bagay bagay.

Sa una kong trabaho, masaya at nag enjoy ako maliban na lang sa maliit yung sweldo at iba pang mga bagay. Graduate ako ng BSE-English at nagturo ako sa private school ng 2 years. Marami akong natutunan at nabaon na memories pati regalo pero hindi nun masasapatan yung pagkakataon na mag impart ako ng something sa buhay ng mga bata. Hindi man nila matandaan lahat ng tinuro ko, at least man lang maalala nila mga pangaral ko.

Mahirap magturo sa totoo lang. Oo walang trabahong madali pero iba yung bigat na pasanin ng mga guro. O siguro kasi dedicated lang talaga ako sa ginagawa ko kaya 100% ng best ko binibigay ko lagi. Nagbibigay ako ng oras na kausapin ang mga estudyante ko isa-isa kasi alam ko yung pakiramdam na walang may pake sayo. Alam ko yung pakiramdam na walang malapitan at mapag kwentuhan.

Paborito ko pag nagtuturo ako ng Values. May excuse kasi ako para mailabas nila yung tunay nilang nararamdaman at pinagdadaanan. May excuse ako para maging honest sila sa buong klase. May code of secrecy kami.

"Anuman ang napag usapan sa loob ng classroom ay mananatili sa classroom."

Nakakatuwa lang rin kasi yung mga estudyante ko marunong sumunod sa code of secrecy na yun. Pati ako syempre kasali. Mahirap umamin sa totoong nararamdaman pero thankful ako kasi may tiwala sila sa isa't isa pati sakin. Masaya rin kasi mas nakilala ko sila hindi lang bilang mga students ko kundi lalo na bilang tao.

Private school yun at mayayaman ang mga students ko pero merong kulang sa kanila. Hindi pera pero pamilya. Busy ang mga magulang kaya walang masyadong panahon sa mga anak. Yung iba naman broken families or hindi nga physically broken pero hindi naman maayos ang relationship ng family. Wala naman kasing perpekto talaga.

Ang mahirap lang dun maliit ang sahod at masyadong maraming requirements. Naranasan pa namin yung delayed na sahod pero pag late, at absent ang faking mag kaltas. OTY din dun. Aabutin ng gabi sa paggawa ng designs at pag aasikaso para sa school program tapos ni walang thank you.

Maiiyak ka na lang din sa demand tapos di ka naman well compensated. Toxic din yung boss lalo na yung mga katrabaho na akala mo hindi ka teacher kung pagsalitaan, pandilatan ng mata at duruduruin. Ginawa pa akong sipsip. Palibhasa di ako mapintasan sa pagtuturo kaya gunagawa ng ibang issue.

Kaya sobrang thankful ang blessed ako na natapos ko yung 2 years na pagtuturo na walang issue sa grades at pag-aaral ng mga bata maliban na lang sa sweldo, boss at mga katrabaho.

Pagkatapos nun nagkapandemya kaya di na nakapagturo ulit. Wala akong trabaho simula April 2020 hanggang 2nd week ng January 2021. Sobrang stressed out ako. Ni hindi ko maramdaman ang gutom at antok. Tapos lagi lang akong nagkukulong sa kwarto. Ayokong makipag usap kasi nahihiya ako sa family ko. Wala akong dulot kumbaga. Wala akong trabaho kaya di ako makapag bigay ng panggastos namin.

Tapos na hire ako nung November 2020 at nagsimula sa bagong work nung 3rd week ng January 2021. Unang araw pa lang gusto ko ng sumuko. Pero hindi naman pwedeng nakatunganga na lang ako ulit. Yung sweldo ko ngayon, double ng sweldo ko sa una kong trabaho per month. Nakakatuwa kasi may pera na ako. Makakatulong na sa pamilya ko.

Perks ng may trabaho

  1. Makakabili ng pagkain.

Mahilig akong kumain. Ngayon nakakbili na ako ng mga pagkain na tinitignan ko lang dati. Pati family ko nakakatikim na ng masasarap. Krispy Kreme, Jollibee McDo, Contis cakes, at iba pa. Sa una kong trabaho, ultimo McFloat di ako makabili kasi pampamasahe ko na rin yun. Sabi nga ng mga katrabaho ko sobrang kuripot ko daw, di nila alam may kapatid akong pinag-aaral at nagbibigay din ako kay mama. Ako rin ang nagbabayad ng fee sa review center. Kaya yung 39 pesos sobrang laking halaga na nun para sakin.

Tapos yung cakes nag upgrade din. Contis na at maraming handa pag may special occasions sa bahay.

  1. Makakapag grocery.

Pag nag grocery ako ngayon laging meron ang mga kapatid ko. Tapos masaya kasi di na ako sobrang tipid na as in pati piso nakalista. Masarap pala na makapanlibre. Kahit di man ganon kamahal, at least meron.

Nakakapag date na rin kami ni mama sa labas. Napapa full body massage ko na sya. Nabibilhan ng blender kasi appliances naman talaga ang nakakapag pasaya sa mga nanay.

  1. Makakapagbigay ng mas malaking halaga sa magulang.

Yung dating 1k per sweldo, 3k na ngayon. Sa ngayon kami lang ni mama ang inaasahan sa bahay pero ok lang. Masaya na makatulong. Pati si papa pag kailangan bilhan ng gamot nakakapag bigay na ako. Naospital sya dati tapos ako walang pambigay. Kasi di kaya ng sweldo na 8,500 per month. Nakakalungkot isipin kasi di talaga sapat at may pinag-aaral din ako. Pero ngayon kaya ko na mag abot sa kanila.

  1. Makakapagtayo na ng bahay.

Next year plano na naming ipaayos tong bahay namin. Malakas ang ulan pati sa loob ng bahay namin umuulan. Yung sagid namin marupok na. Yung wiring ng bahay puro extension. Yung tubo ng tubig ng bahay namin may sira kaya tyaga tyaga sa pagsasara bukas. Ito na siguro yung matuturing kong investment para sa family ko. Gusto ko kahit nasa squatter's area kami may maayos na bahay. Unti unting pag iipunan para mapaayos na.

Marami pa akong gustong isulat pero hanggang dito na lang muna. Nagsisimula pa lang ako pero unti unti ko ring makakamit mga pangarap ko.

Paniguradong ganon ka rin 🤗

Love_16

July 25, 2021

Sunday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

2
$ 5.55
$ 5.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.30 from @Codename_Chikakiku
Avatar for Love_16
3 years ago

Comments