Maniac and Pervert
Marami akong gustong puntahan kasama ang pamilya ko kaso ang hirap nilang yayain. Nandyan na yung busy sila, walang pera or ikaw ang magbabayad dahil ikaw ang nagyaya. Ang dami naming planong di natuloy dahil sa ganyan tapos nasa akin ang sisi dahil ako ang nagyaya. Pag ako daw ang nagyaya laging di natutuloy.
Gusto kong mag swimming sa beach, kumain sa labas at mamasyal kasama sila pero dapat sagot ko. Kaya ang ending wag na lang. Hindi ko naman kayang naglabas ng malaking halaga ng pera ng ako lang. Laging ganito. Tapos pag natuloy ako lagi ang lugi dahil ako ang nagaabono madalas.
Kahit mga kaibigan pag niyaya dapat sagot ko na hindi ko naman sila sagutin at hindi sila kasama sa budget. May mga trabaho naman. Sabagay kasalanan ko rin kasi ako ang laging nagyayaya.
Dapat na rin akong matutong mag enjoy, mag travel at pumunta sa iba't ibang lugar ng ako lang. Wag nga lang magpapagabi kasi hindi safe. Maraming bastos at masasamang loob sa paligid.
Kahapon pumunta ako sa kasal ng kaibigan ko tapos sabay sabay na kaming pumunta at umuwi. Hiwahiwalay na kami ng jeep na sinakyan at nung sumakay na ako ng jeep marami namang tao pero yung driver ang bastos. Nakasuot ako ng pantalon, at formal blouse. Hindi kita ang balat at walang any sign ng ka sexyhan sa suot ko pero nabastos pa rin ako.
Pag para ko ng jeep nagsasabi sya ng "Ingat be ha" "kita tayo bukas ha" "bukas ulit ha". Nakakakilabot at hindi umalis yung jeep agad. Hindi rin ako umalis sa binabaan ko dahil nakatingin pa sya. Saka ako naglakad nung pinatakbo nya na yung jeep. Bago pa man yun gusto nya sa harap ako ng jeep sumakay na di ko ginawa kasi nga ayaw kong may katabing driver baka kung anong gawin. Tsaka I always trust my instincts sa ganitong bagay.
Inalis nya yung tali na parang seatbelt tapos gusto nya dun ako umupo. Di ko sya sinunod at sa likod ng jeep ako sumakay. Tapos pagbaba ko ganon na sya. Wala akong ginawa na ikakabastos ko o suot na ikakabastos. Pag may bastos at manyak kahit anong gawin mo meron talaga.
Lagi akong nasasabihan na ang tanda ko na daw pero di ko pa kayang magbyahe mag isa. Kaya ko pero natatakot ako. Hindi ako nag susuot ng shorts or sleeveless. Laging pants at oversized shirt or blouse kaya nakakapagtaka na kahit ganon ay nababastos pa rin. Hindi ko yun gusto at never kong gugustuhin.
Isang bagay pa ay yung may nakakarinig, nakakakita at nakakapansin pero nananahimik lang. Hindi ko alam yung reaction ng mga pasahero kasi paniguradong naririnig nila.
Kaya di ako makapagbyahe mag isa dahil sa anxiety. Okay lang na mag isa akong mag byahe basta puro babae at safe pero pag puro lalaki at nakakaramdam ako ng di maganda di na ako tumutuloy. Lagi kong pinapakinggan ang sixth sense ko at gut feel kasi never naging mali.
Hindi safe na magbyahe mag isa ang babae. Wala ang privilege at assurance na ligtas kang makakauwi at makakapunta sa kailangan mong puntahan. Laging may halong takot at kaba.
Alam mo yung kilabot na mararamdaman mo dahil sa mga ganong pagkakataon. Yung iba sinasabi na salita lang naman yun or baka naman hindi sinasadya. Kung talagang hindi sinasadya hindi uulit ulitin. Ang salita ay nakakapagbigay ng emotional trauma. Walang excuse para sa mga gumagawa ng maniac and perverted acts.
Wag isisi sa victim dahil kaya nga victim dahil hindi ginusto. Ilang ulit ng nangyari to at kung iisa isahin ko pa baka di na matapos to.
Kung lalaki ka, matuto kang rumespeto ano pa man ang suot nyan. Ang sinusuot ng Babae ay hindi para bastusin mo. Maging responsible ka sa mata, isip at sinasabi mo. Hindi yung nakakita ka lang ng sexy at kung ano pa man ay mag iisip ka agad ng kahalayan.
Kung babae ka, wag kang matakot at hanggat maaari dapat may kasama ka dahil hindi ligtas. Noon at magpa hanggang ngayon. Ang mga manyak at masasamang loob ay nasa paligid lang. Lagi mo ring tatandaan na hindi mo deserve na mabastos sa anumang paraan. Hindi mo deserve ang anxiety, trauma at fear na nararamdaman every time na may ganitong nanguayari. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan.
Matutong rumespeto ng kapwa hindi lang dahil sinabi kundi dahil yun ang Tama.
Love_16
May 2, 2022
Monday