Maling kultura

0 11
Avatar for Love_16
3 years ago

Sa anumang lugar, bagay o pagkakataon hindi na mawawala ang kultura dahil parte ito ng pagkakakilanlan at pinagmulan. Iba't iba ang kultura at kinagisnan ng bawat isa pero anumang kultura ang meron ka, isa lang ang sigurado, hindi lahat ng kultura ay tama at dapat pang ipagpatuloy.

Isang halimbawa ng maling kultura ay ang pagpasa sa mga batang hindi kapasa pasa dahil wala namang output. Walang basehan na natuto ang bata pero nakakapasa. Ano ang dahilan? Simple lang, para walang bumagsak. Kailangan lahat makapasa at makapunta sa susunod na level dahil kung hindi, mahaba habang paliwanagan ang gagawin.

Nagbibigay naman ng konsiderasyon ang mga guro, higit pa sa inaakala nyo pero anong magagawa namin kung ang mga bata mismo ang ayaw matuto? Anong kahihinatnan ng kinabukasan kung ang mga pag-asa ng bayan ay ayaw namang sumunod at matuto?

Pangalawa, pag bago ka saan mang lugar o trabaho, sayo itotoka halos lahat ng gawain. Ang excuse? Dahil bago ka at kailangan mong matutunan ang mga bagay na yan. Para sakin hindi katanggap tanggap. Oo bago ako at maraming dapat matutunan pero hindi naman sapat na dahilan yun para iatang lahat ng gawain sayo. Bakit? Pareparehas kayong empleyado, pareparehas kayo ng gagawin, kaya bakit kailangan na isakripisyo ang mga bago?

Hindi ka pwedeng magreklamo. Dahil pag nagreklamo ka lalo kang pag iinitan. Hindi excuse na dahil bago ka pwede kang tumanggi. Isang malaking pagkakamali yun pag nagkataon. Hindi ba pwedeng pantay pantay na lang?

Pangatlo, anuman ang gawin mo laging may mapupuna sayo. Alam mo kaya naging toxic ang isang trabaho at ang mga tao sa paligid mo? Walang ibang dahilan kundi ang maling kultura. Pinapamihasa na imbes na magtrabaho ang gagawin ay chismisan at sisiraan ka. Palibhasa walang ginagawa kaya panay ang puna sa mga taong may ginagawa.

Kahapon nalaman ng pamilya ko ang nangyari sa una kong trabaho. Sabi nila, "akala namin ayos ka lang at masaya ka dun." Hindi na masaya pag pinagtutulungan ka. Hindi na masaya pag lahat ng kilos mo pinupuna. Hindi na masaya pag dinuduro ka, pinandidilatan ng mata, pinapahiya at sinisigawan. Isama mo pa ang paninira nila at pagmumura sakin. Di ko deserve.

Hindi ako nag-aral ng apat na taon at kumuha ng lisensya para maranasan ang mga bagay na yun pero ano nga bang magagawa ko? Mali nga kasi ang kultura.

Overtime Thank You. Sa totoo lang overtime lang, walang thank you. Maraming empleyado ang nagkakaroon ng mental health issue dahil sa toxic na boss, toxic na katrabaho at overtime na wala ka namang mapapala. Napagod ka, sumakit ang ulo mo sa kakaisip tapos hindi naman sapat ang bayad sayo. Making kultura ulit.

Dapat ay may sapat na pahinga at oras para sa sarili at pamilya. Hindi yung naubos na lahat ng panahon mo sa trabaho na imbes makabuhay ay unti unti kang pinapatay. Unti unting pinapatay ang kagustuhan mong gawin ang passion mo. Unti unting nawawala ang init sa puso at tila isa kang nauupos na kandila sa bawat pagdaan ng araw.

Nakalimutan mo na ang tunay na kahulugan ng salitang saya dahil hindi mo na nararamdaman. Manhid ka na. Kailan ka nga ba huling beses na kumain ng tama? Kailan ka ba huling beses na nakatulog ng sapat?

Sana wala ng pangarap ang susunod na mamamatay dahil lang sa mga making kultura. Sana wala ng mga mangagawa ang kakailanganing mangibang bansa para matustusan ang panganagilangan ng pamilya. Sana wala ng mga baguhan na punong puno ng pangarap ang unti unti mawawalan ng pag-asa at puso para sa napiling larangan. Sana wala ng susunod na isusuko ang passion nang dahil sa maling kultura.

Love_16

October 29, 2021

Friday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

1
$ 0.38
$ 0.38 from @TheRandomRewarder
Avatar for Love_16
3 years ago

Comments