Isipin bago sabihin

0 20
Avatar for Love_16
1 year ago

Sa dami ng mga maling desisyong nagawa ko sa buhay at sa dami ng mga nasabi kong di ko sinasadya o nasabi ko ng di pinag iisipan ito na ata ang pinakamalala sa lahat. Ang mangako sa bata. Hindi kasi nila yun nakakalimutan kahit na anong mangyari.

Ngayong taon, nag desisyon ako na sarili ko naman ang uunahin ko. Kasama na dun ang pag ma manage ng finances ko. Napag desisyunan kong mag cost cutting na muna.

  1. No more birthday gifts.

Kahit na sino ang mag birthday sa family members ko, di na ako magbibigay ng regalo maliban na lang sa first baby ng ate ko na inaanak ko dahil nag promise na ako na sagot ko na ang 5k na cake sa first birthday ng baby nya.

  1. No more unnecessary gastos.

Di na ako bibili ng mga pagkain dahil lang nag crave ako. Kailangan ko ng mag diet at siguraduhin sa sarili ko na focus ko na talaga ang pag iipon. Bibili lang ako ng mga pagkain at gamit na kailangan ko. Di na rin ako kakain sa labas lalo na kung may pagkain naman kami dito sa bahay.

  1. No more unnecessary gala.

Magpapa ayos kami ng bahay ngayong 2023 kaya naman nag desisyon si mama na hindi daw kami pwedeng gumala hanggat hindi napapa ayos tong bahay. Yung perang panggala ay gagastusin na sa pagpapa ayos nitong bahay namin. Sira na kasi itong bahay namin lalo na itong taas. Crack na ang mga plywood na sahig.

  1. No more occasional gifts.

Last December nagbigay ako ng Christmas gift sa students, come teachers at sa ilang chruchmates ko. This year hindi na ako magbibigay ng regalo. Kailangan kong magtipid kasi marami akong dapat pag ipunan.

  1. No more daldal.

Napapahamak ako sa sarili kong mga salita. Kagaya kanina, kausap ko ate ko at mga pamangkin ko via video call then nasabi ko na dodoblehin ko ang pera ng may pinakamalaking maiipon sa kanilang magkakapatid. Paano kung 20,000 ang maipon nila, edi 40,000 ang babayaran ko 🥺 Naiiyak ako sa totoo lang dahil una sa lahat wala naman akong ganon kalaking pera kaya ngayon sobrang pinagsisisihan ko na ang nasabi kong iyon. 😭 Hindi ko man ipinangako pero tumatak na yun sa isip ng pamangkin ko. Nakalungkot lang pero ito ang consequence sa sinabi ko. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko.

Lesson learned for today: Isipin ng sanlibong ulit bago sabihin. Dahil pag nasabi na, di ko na mababawi o mababago pa.

Dear Lord, need ko po talaga ng financial breakthrough ngayon pa lang dahil sa hindi ko pinag isipan ang mga nasabi ko ngayong araw na to. 🥺 Sorry Lord.

Love_16

January 22, 2023

Sunday

1
$ 0.00
Avatar for Love_16
1 year ago

Comments