Kahapon pumunta ako sa Church Kasi dun ang venue ng birthday ng inaanak ko. 8 years old na sya. Invited ako kasi ninang. Anak sya ng churchmate ko. Matagal na rin yung huling beses na nagkita kami and nakaka amaze yung family nila lalo pag dating sa negosyo at kaperahan.
Ang nakalagay sa invitation ay 2 p.m. pero pumunta ako dun ng 2:30 p.m. tapos nagsimula na ang party ng 3:30 p.m. Maraming bata kasi children's party at marami ring handa. May mga clown and bonggang party ang ganap. Chance ko na rin yun para makita ulit ang mga churchmate ko na matagal ko ng di nakikita.
Nagkaroon ako ng chance na makipag usap sa mga taong katulad ko ng pinagdadaanan. May mga churchmate din akong nawalan na ng papa at yung isa ay nawalan ng papa ngayong taon lang din. Masarap pala sa pakiramdam na may kausap ka na tulad mo ng pinagdadaanan. Yung alam mong naiintindihan ka nila kasi naranasan din nila. Hindi yung pag mag kausap kang iba di ka naman nila naiintindihan kasi di nila alam yung pain ng mawalan ng mahala sa buhay.
Nung nawala si papa nawalan din ako ng gana sa lahat. Kagabi nag chat ako sa dati kong TL nagsabi lang ako ng congratulations kasi promoted na sya. Ang reply nya ay dapat ako din daw kung di ko lang sila iniwan. Napaisip ako at syempre nanghinayang kasi malaking pera na ang sweldo ko pero di ako nagsisisi sa desisyon ko na i-pursue ang passion ko.
Sa totoo lang hanggang ngayon nangangapa pa rin ako sa sa mga bagay bagay. Lalo na pagdating sa bago kong trabaho. Alam mo yung bigla ka na lang malulungkot at maiiyak. Yung body clock ko kasi pang call center pa rin kaya hirap akong gumising sa umaga. Pakiramdam ko okay naman ako tapos biglang maiiyak na lang ako.
Nalulungkot pa rin ako. Nagta try naman ako maglibang gaya ng abalahin ang sarili sa trabaho. Lumabas labas pero pagdating ng gabi grabe yung lungkot. Lalo na di naman ako nakakatulog agad. Iba rin sa pakiramdam na may kausap na ibang tao na totoong nakakaintindi at nakakaunawa sa pinagdadaanan mo sa buhay.
Pag ang kausap ko kasi ay family member syempre kailangan lang namin magpalakasan sa isa't isa. Kaya nung nakausap ko churchmates ko, naramdaman ko na di ako nag iisa. May nakakaunawa sa pinagdadaanan at nararamdaman ko. May mga taong may pake.
Yung mga kaibigan ko naman na akala ko ay kaibigan di ko naramdaman yun ng nawala si papa. Tapos ngayon gusto nila akong manlibre Kasi pasok na ako sa trabaho. Pagbibigyan ko sila pero hanggang dun na lang siguro. Ni hindi ko naramdaman yung genuine concern nila para sakin. Kasi ako laging nandyan para sa kanila pero sila wala.
Dun ko rin napatunayan na ang laging nandyan ay ang pamilya. Hindi ka nila iiwan kahit anong mangyari. Anuman ang pagdaanan ko di ako nag iisa kasi kasama ko sila. Isa para sa lahat at lahat para sa isa.
Thankful din ako sa mga dati kong katrabaho sa BPO company kasi nandun sila para i-comfort ako. Alam mo yung tinawagan ako ni TL para kumustahin. Personal silang pumunta kahit wala pa silang tulog at nagpa about din ng financial help. Tapos ngayon nakaka chat ko pa sila. Nakakataba ng puso.
Siguro kasalanan ko rin kasi malaki ang expectation ko sa kanila na mali pala dahil ako lang din ang nasaktan. Sa totoo lang pati yung mga naging katrabaho ko sa una kong work akala ko dadamayan nila ako pero wala rin sila. Kaya mas mabuti na rin yung ganito.
Siguro last na yung panlilibre ko sa kanila sa labas. Di na madudugtungan yun ulit. Okay na rin naman sakin na mag isa. Dapat na rin akong matuto sa sarili kong mga paa. Tsaka ako rin naman ang may kasalanan dahil masyado akong nag expect.
Love_16
December 5, 2021
Sunday