Deserve

1 16
Avatar for Love_16
3 years ago

Ganito siguro pag tumatanda. Mas gusto ng mag-isa. Noon pa man mas nae enjoy ko na magsolo. Pag may mga group projects or group work mag aambag na lang. O kaya pag may nagyaya ng gala ayaw kong sumama kasi mapapagod lang ako at gagastos ayaw ko ng ganon.

Nung elementary ako meron akong best friend na babae at lalaki. Well akala ko best friend ako nung lalaki hindi pala. Ni hindi na nga kami nag uusap ngayon. Last month nagkaroon ng GC ang mga elementary classmates ko pero nag leave ako. Ayaw kong mag stay dun kasi di naman ako belong sa group na yun. Tsaka ayaw ko ng magkaroon ng connection sa kanila. Ganon din naman sila sakin tsaka di naman kami close para mag stay pa ako sa GC.

Maraming may ayaw sa ugali ko. Bossy daw ako at masama ang ugali. Madalas din daw ako magsalita ng hindi pinag iisipan. Kaya ang ending ayaw nila sakin. Nung high school may mga classmate ako na naging kaibigan ko. May group name pa kami hanggang sa isang araw ayaw na nila akong maging kaibigan. Dinamdam ko yun kasi akala ko tanggap nila kung ano ugali ko pero di rin pala meant na mag stay as friends kami. Nagka jowa sila at nagkaroon ng ibang group of friends habang ako naiwan mag isa.

Ang ginagawa ko nun panay sagot sa libro kaya pag pasahan kumpleto sagot ko. Lahat sila ayaw sakin. Pag may mga groupings madalas wala lang silang choice kundi isama ako kasi medyo matalino. Tapos naalala ko nun nung nagkaroon kami ng tango, walang gustong makipag partner sakin. So no choice kundi yung malambot kong classmate. Mas babae pang kumilos kaysa sakin pero okay lang at least may grade.

Nung nag college ako akala ko maiiba at masaya ako kasi finally aalis na ako sa highschool life ko na baka meron na akong maayos na impression sa iba pero hindi rin pala. Nag iba lang yung mga taong kasama ko pero ganon pa rin ang tingin nila sakin. Bossy at masama ang ugali. Hindi rin ako palaayos at tahimik lang ako kaya medyo nagtaka ako kung bakit galit pa rin sila sakin.

Hanggang sa natanggap ko na, na hindi na ako magiging ganon katanggap kahit saan. Okay rin naman na walang masyadong ganap sa buhay. Pag may debut invited ang buong klase pero di ako pumupunta kasi wala naman akong close friends. Mas okay na akong mag isa or may few friends at least alam kong tanggap nila ako.

Hanggang sa nagkaroon ako ng group of friends. Apat kaming babae at dalawang lalaki. Until now friends pa rin naman kami at happy kahit na madalang magkitakita at magkamustahan. Sila yung reason kaya mas happy ang college life ko kahit papano. Besides pareparehas kaming teachers. Hindi ko rin naman hangad ng maraming friends. Okay na nga ako sa isa basta tunay na kaibigan.

Introvert kasi ako and minsan natawag pa akong weird. Kasi nga behave lang ako at may sariling mundo. Okay na rin naman sakin kasi ayaw ko rin naman talagang makipag socialize. Mas gusto ko sa bahay pero ngayon iba na. Gusto ko na rin umalis sa bahay.

Pero nagbago yun nung naging teacher na ako. Naging ambivert na kasi di pwedeng introvert na teacher. Mapapaiyak ka ng mga estudyante panigurado.

Happy ako kahit maliit yung sweldo at least alam ko na nagagawa ko ng tama yung trabaho ko. Tsaka nag e enjoy ako. Kaso may workmate na naman ako na naduro, nanigaw at galit na galit sakin. Di ko alam kung bakit. Siguro kasi walang mapuna at hindi kami magka department. Hindi rin kami nag uusap madalas. As in behave lang kasi medyo malayo din sila samin. Nakakapag taka pero anyway nangyari na.

Nagkaroon din ako ng co teachers as friends pero ganon lang. I'm hoping na maging successful sila sa buhay.

Dito naman sa second job ko mababait ang mga tao pero hindi ko rin masabi kung sino talaga yung totoo. Yung iba kasi sa kanila sure naman ako na hindi naman purpose ang makipag kaibigan or what. For sure trabaho lang talaga. Okay din yung sweldo and recently maraming issues sa work pero di ko rin naman planong magtagal. After a year mag re resign na ako. Hindi ko kayang magtagal sa ganitong klase ng trabaho. Nakakapagod. Tsaka Wala ring filter bibig ko. Magrereklamo ako pag gusto kong mag reklamo. No choice eh kaysa kimkimin yun nga lang need mamili ng taong pagku kwentuhan. Medyo sensitive din mga tao dito.

Dito sa bahay stressful. Laging may away, gulo, at di pagkakaintindihan. Kaya madalas gusto ko ng magsolo. Gusto kong tumira sa sarili kong bahay ng mag isa. Gusto kong gawin yung mga bagay bagay according sa kaya kong gawin at kung kailan ko kayang gawin. Gusto kong mapag isa.

Ganito ata talaga pag tumatanda na. Mas gustong mapag isa.

Love_16

August 12, 2021

Thursday

Sponsors of Love_16
empty
empty
empty

3
$ 2.95
$ 2.88 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Codename_Chikakiku
$ 0.02 from @Cineholic
Avatar for Love_16
3 years ago

Comments

Mas ok siguro na lowkey lng lagi, kapag nag voice out po kase tayo meron tlagang masasabi ang iba kase natatapakan ang pride nila, kaya ako kahit na plastic na ung sa paligid wala ako pakealam, tahimik lng ako. !arami narin naman ako kaibigan dahil mabait lng ako sa kanila.

$ 0.00
3 years ago